"Hey?," bati ko kay Flynn na kanina pa kumakatok sa pintuan ng dorm namin ni Mau.
Dalawang araw na yung lumipas at linggo ngayon kaya walang pasok. Sa Dalawang araw na yon kasama ko lang lagi sina Flynn dahil laging wala si Mau at Hachi. Mukhang nagsosolo ang dalawa pero okay naman na kami ni Hachi, iniiwasan niya lang na pag-usapan namin yung tungkol sa sinabi ko sakanya. Sa dalawang araw ding yon lalo lang akong naiirita kina Ayako dahil kung nasaan kami nandoon din sila pero minsan hindi nila kasama si Mirtle.
"What? Are you gonna stare me forever?" kunot-noong tanong ni Flynn.
Inirapan ko lang siya at tinulak ng marahan.
"Let's go." pag-aaya ko at iniwan na siya sa harap ng dorm.
Narinig ko pa nga yung reklamo niya dahil sa gamit kong iniwan ko na wala siyang choice kundi bitbitin. Pagkarating sa sasakyan ay pinagtawanan naman siya nina Phene.
"Hindi mo naman sinabing sideline mo palang maging personal maid ni Chasta, N." natatawang pang-aasar ni Phene habang tumatawa rin ng mahina si Justine.
"You both want to walk?" seryosong tanong ni Flynn habang nilalagay niya sa likod ng sasakyan yung gamit ko.
Natahimik yung dalawa dahil sa sinabi ni Flynn kaya tinawanan ko na. Pumasok narin ako agad sa shotgun seat at hinintay na matapos mag-asaran yung tatlo.
"Where are we going anyway?," tanong ko habang nasa byahe dahil ang sinabi lang nila ay magdala daw ako ng mga gamit.
"It's a surprise, Chasta Lyle. Wag masyadong excited." inirapan ko si Flynn dahil sa naging sagot niya.
"You can take a nap." suggest agad ni Justine na sinunod ko nalang dahil mukhang mahaba-haba ang magiging byahe namin.
Hindi rin ako nakapagpaalam kay Mauren dahil paggising ko ay wala na ito sa dorm.
-
"Chas.." nagising ako dahil sa mahinang pagyugyog sa'kin ni Flynn.
Inilibot ko agad yung paningin ko sa lugar kung nasaan kami.
"Bakit tayo nandito?," tanong ko at agad na lumabas.
Nasa isang beach resort kami at sa nakikita ko may karamihang tao yung nandito dahil nga linggo ngayon. Lumabas rin si Flynn at hinarap ako.
"Ipinasyal kita dito para makapag-isip ka," ngumiti ako sakanya.
"Sina Phene?," tanong ko nung mapansing wala na dito yung dalawa naming kasama.
"Kanina pa nakaakyat sa kwarto, dinala na nila lahat ng gamit. Tara?," sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya at sumunod kung saan siya pupunta.
Hindi ko parin maiwasang mamangha sa lugar kung nasaan kami. Sobrang ganda ng dagat at nakakarelax yung simoy ng hangin. May kalakihan din yung hotel kung saan kami nakacheck in.
"Go out, N. We're already good here." pagtataboy ni Phene kay Flynn nung maihatid na ako sa kwarto.
Si Phene pala ang magiging roommate ko, hindi na umangal pa si Flynn at lumabas nalang.
"Bihis na tayo?," pag-aaya ni Phene na kinunotan ko ng noo.
"Wala akong dalang panligo, you didn't tell me na dito tayo pupunta." tumawa siya sa naging sagot ko.
"I got you girl," hindi na siya nagpaalam pa at hinila na ako papunta sa kama.
Agad niyang hinanap yung mga bikini na dala niya at pinasukat sa'kin, wala akong naging choice at sinunod nalang siya habang pinili niyang iayos muna sa lalagyan yung mga damit namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/160356437-288-k745466.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...