"Lyle?..okay ka lang ba?," kunot-noo kong tiningnan si Nanay na siyang unang nasilayan ko nung magising ako.
"N-Nasaan ako?.." nilibot ko yung paningin ko at wala akong nakitang ibang tao.
"S-Si Ayako? Nay nasan si Ayako?,"
"Shhhh, Lyle calm down.." pagpapakalma sa'kin ni Nanay at pilit akong pinipigilang bumangon pero hindi ko siya pinansin.
"Nay kailangan ko siyang makausap.." isa-isang bumagsak yung mga luha ko.
Hindi pwedeng mawala na naman siya sa'kin. Hindi ko parin siya kayang bitawan.
Siya parin e!
"Lyle listen to me, calm down. Makakasama sayo yan.." nilingon ko si Nanay at lalo lang bumubuhos yung mga luha ko.
"Nay hindi e...hindi siya pwedeng makuha ng babaeng yon!" hinawakan niya yung mga kamay ko.
"Lyle." pilit niyang hinuhuli yung mga tingin ko pero hindi ko iyon pinansin at hinigit ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya.
Tinulak ko siya ng marahan at pilit na bumaba sa kamang hinihigaan ko. Mukhang nasa hospital ako.
"Ang - - -Fuck. What the - - - hey!," napatigil ako sa taong bigla nalang pumasok at nabitawan yung dala-dala niyang pagkain.
"K-Ko..." mahinang usal ko at sunod-sunod na namang bumuhos ang luha ko.
Lumapit agad siya para yakapin ako.
"Damn. Angel! Hush..." bulong niya habang mahigpit paring nakayakap sa'kin.
Hinaplos niya pa niya ng ilang beses yung likod ko habang iyak lang ako ng iyak.
"Maiwan ko muna kayo," paalam ni Nanay at agad ng lumabas ng kwarto.
Bumitaw rin agad sa'kin si Ayako at pinunasan ang mga luha ko.
"What's wrong?" nag-aalala niyang tanong.
Bumitaw siya sa'kin at lalakad sana pero humigpit yung hawak ko sakanya na ikinatawa niya ng mahina.
"I'm not gonna leave you, kukunin ko lang yung pagkaing naibagsak ko okay?" binitawan ko rin siya agad dahil sa sinabi niya at sinundan lang ng tingin ang ginawa niyang pagkilos.
Inayos niya rin agad sa may mesa yung pagkain.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya na ikinalingon niya sa'kin saglit at pinagpatuloy rin ang paghahanda ng pagkain.
"I thought you want to see me, bakit mukhang pinapaalis mo na ako?" natatawang tanong niya at humarap na sa'kin habang hawak ang pagkaing binili niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Kumain ka na muna, mag-uusap tayo kapag okay ka na." ngumiti pa siya ng tipid at sinimulan akong subuan.
-
"O my god! Gising ka na!" salubong sa'kin ni Mau pagkapasok niya sa kwarto kung nasaan ako.
Kakatapos lang akong pakainin ni Ayako at nililigpit na niya yung mga pinagkainan namin.
"What happened? Alam ba nina mommy na nandito ako?," tanong ko sakanya.
Ngumiti lang siya ng tipid at may tinawag sa labas. Napatigil ako nung makitang si Chester yung kasunod niyang pumasok.
"Ches.." agad na usal ko.
Lumapit rin siya agad at yumakap sa'kin.
"Ako ang tinawagan niya nung isinugod ka nila dito kaya kinausap ko si Nanay na bantayan ka dito at sinabing wag ng ipaalam kina mommy." pageexplain sa'kin ni Chester kasabay ng pagbitaw niya sa yakap.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...