"Chasta Monteverde and Mauren Lopez please proceed to the dean's office." nagkatinginan kami ni Mau sa biglang inanunsyo ng aming guro sa harap habang hawak nito ang cellphone niya.
Nagdidiscuss lang naman siya kanina tapos biglang ganon nalang? Ano namang gagawin namin ni Mau sa office?
Wala na kaming nagawa at tumayo nalang saka lumabas habang sinusundan kami ng tingin nung mga classmates namin.
"Bakit naman tayo papapuntahin ni Vash don? Kung miss ka lang naman niya bakit idadamay pa ako." rinig kong reklamo ni Mau na naging dahilan para maalala kong si Ayako pala yung dean.
Ano na naman kayang balak non. Hindi ko na sinagot pa si Mau at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang marating namin ang office ni Ayako.
Walang katok-katok kaming pumasok ni Mau at naabutan namin sa loob si Megumi at yung alalay niyang si Hana kasama sina Hachi. Mukhang isa lang ang dalang alalay ni Megumi ngayon ah, tatlo yon nung unang banggaan namin.
"Did you already forgot how to knock? You're disrespecting the dean." pagtataray sa'kin ni Megumi dahil ako yung nauuna kay Mau.
"Don't talk to her like that." si Kanna na yung nagsalita.
"What? I thought you hate her, Kanna. Oh! Supposedly both of them. You hate Mauren too!" may pagtatakang baling ni Megumi kay Kanna.
"Isang linggo kang nawala remember? Things changed."
"What changed? Don't tell me you guys let them fooled all of you?!" hindi parin niya ata nagegets yung nangyayari.
"Anong pinaglalaban mo?" matapang na tanong ko sakanya.
Ngumisi naman siya at binalingan ako ng tingin. Pansin kong wala parin pala si Ayako mukhang nauna kami dito.
"Pinaglalaban? Of course ginagamit niyo sina Hachi diba? I was just protecting them. Ayokong gawin mo uli yung ginawa ng pinsan mo. Magkadugo pa naman kayo."
"Megumi enough." mukhang hindi nagustuhan ni Hachi ang sinabi ni Megumi.
Gulat at nagtataka namang napatingin si Megumi kay Hachi.
"What? Tama na - - - "
"Gusto mo bang umalis na Megumi Morgan?" sabay-sabay kaming napalingon sa kakapasok lang.
Sobrang lamig ng boses niya. Malamig rin yung mga tingin niya kay Megumi at Hana pero lumambot ito nung mapatingin siya sa'kin.
Lumapit agad siya at hinalikan ako sa noo bago dumiretso sa upuan niya at naupo. Naupo narin naman kami sa upuan malapit sa table niya. Magkatabi kami nina Hana at Megumi, sa harap namin sina Hachi.
"Anong nangyayari? Hindi ko gusto yung nakita ko kanina, Vash Heckler." napakunot-noo naman si Ayako dahil sa pag-iinarte ni Megumi.
"Do you think I care? Sino ka ba?" malamig na tanong ni Ayako sakanya.
Natahimik lang siya at hindi na sumagot pa. Nakita ko pa ang pasekretong pagtingin sa'kin ni Megumi saka ako tiningnan ng masama.
"W-Why are we here?" pagbasag ni Hana sa katahimikan.
"Pinatawag ko kayo for some important matters." ang bilis naman niyang magpalit ng personality?
Kanina lang parang galit siya tapos ngayon seryoso na naman, I mean yung lumalabas talaga ang pagiging dean niya.
"What is it?" si Kira.
"We are going to Pandemonium."
"Pandemonium what?!" gulat na gulat na tanong ni Hachi.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...