22

137 6 0
                                    

"Papasok ka na?," tanong sa'kin ni Nanay nung makasalubong ko siya sa sala.

Isang linggo na yung lumipas at umabsent lang ako nung mga araw na yon, kaya ngayon lang ako babalik sa Emerald.

"Opo nay, miss na daw ako ni Mauren e." natawa pa si Nanay sa naging sagot ko.

Tinawagan narin ako ni Mauren nung nakauwi siya after finals at sinabi niyang panalo yung academy namin at nakauwi narin pati sina Ayako.

"Mag-ingat ka, mag-ingat kayo ni Mauren." bilin ni Nanay na tinanguan ko lang.

Nagpahatid nalang ako sa isang driver namin papunta sa academy dahil wala dito ang mga kapatid ko. Medyo okay na rin naman ako dahil kay Nanay.

Siya lang naman kasi ang nakakapagpatahan sa'kin noong bata pa ako pag umiiyak ako at mukhang hanggang ngayon ganon parin. Idinaan muna ako nung driver namin sa family doctor namin dahil matagal akong hindi nakabalik at pagkatapos ay inihatid na niya ako sa academy.

May pinapainom na naman silang gamot pero dahil mukhang di naman ata effective dahil mahina parin ako, baka hindi ko nalang iinomin. Ang alam ko kapag nawawalan ako ng malay may iniinject sila sa'kin para daw magising ako at hanggang ngayon hindi ko alam kung ano yon.

Baka nga pati yung nurse Em sa academy ay nakausap na nina Chester na kapag dinala ako don ay turukan ako non para magising.

"Ma'am Cha nandito na po tayo," sabi nung driver namin kaya ngumiti ako agad sakanya.

"Thank you po," agad na sabi ko bago bumaba sa kotse at kinuha ang maliit kong maleta.

May iilang napatingin sa'king mga estudyante na nadaanan ko pero hindi ko na iyon pinansin. Aabsent nalang muna ako ngayong araw dahil mag-aayos ako ng kwarto ko.

Dalawang oras ko ring inayos yung kwarto at lalabas na sana para kumain nung may mahagip ang mata ko. Yung diary na inauction ni Ayako para sa'kin.

Nakalagay yon sa napakataas na divider ko kaya hindi ko napansin nung mga araw na nandito ako. Mukhang nakalimutan kong nailagay ko pala ito dyan.Kinuha ko iyon at nilagay sa pinakababang drawer na nasa gilid ng kama ko.

Wala na kami at dapat alisin ko na sa paningin ko yung mga bagay na makakapagpaalala sa'kin sakanya. Bumuntong hininga ako. Kaya ko to.

Umalis na muna ako sa dorm para magpunta sa cafeteria at kumain. Panay tingin parin sa'kin yung mga estudyante na parang may pinag-uusapan sila ng katabi nila.

Alam na ba nila? Ang bilis naman ng balita. Hindi ko nalang sila pinansin at agad nang dumiretso sa caf.

"Chasta, right?" tanong sa'kin nung cashier kaya tumango lang ako habang hinihintay siyang matapos na magpipindot don sa monitor sa harap niya.

Inabot na niya sa'kin yung sukli ko.

"Akala ko ikaw na talaga ang para sakanya," agad na sabi niya na ikinanuot-noo ko.

Hindi na ako nakapagsalita dahil nagreklamo na yung nasa likod ko. Umalis na ako sa harap nung cashier at naghanap ng mauupuan. Tahimik lang ako habang kumakain at pilit hindi pinapansin yung mga tingin sa'kin ng mga estudyante. Nagsisimula na akong mairita sa mga ginagawa nila. Tinignan ko ng masama yung iba kaya kusa na silang nag-iwas ng tingin.

Mga duwag. Napatigil ako nung makita ko kung sino yung mga pumasok sa entrance ng cafeteria. Magkahawak kamay sila. Nakasunod sakanila si Dione at Kanna na may sariling mundo at si Kira na may katext.

Pambihirang araw to ang gandang bungad.

Tumayo nalang ako at nagmadaling umalis pero pagminamalas ka nga naman nabangga ko pa si Ayako na mukhang di ako napansin kanina.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon