"Bakit ngayon ka lang nakabalik? Anong sabi ni Ma'am Althea sayo nung pinatawag ka?" sunod-sunod na tanong sa'kin ni Mau.
Ngayon lang ako nakauwi at ganon agad ang salubong niya. Isang linggo na naman yung lumipas at umabsent na naman ako.
Mamayang 10 pa yung klase namin kaya makakapag-ayos pa ako since 8 pa naman ng umaga.
"Problema sa buhay," tanging sagot ko at pumasok na sa kwarto ko at nag-ayos.
"Pinagalitan ka ba? Bakit may mga guards na naghatid sayo kanina?" tanong na naman ni Mau nung lumabas na ako sa kwarto ko.
Huminto ako at tinitigan siya.
"You will know it later," tanging sagot ko at nauna ng umalis.
Naglakad ako agad papunta sa cafeteria para kumain. Ramdam na ramdam ko yung mga tingin nung mga estudyante pero binalewala ko nalang, siguro dahil sa pagtataka nilang bakit wala ako nitong mga nakaraang araw.
Agad akong naghanap ng mauupuan pagkatapos kong magorder at piniling tahimik na taposin ang pagkain ko. Saktong pagkatapos ko ay bigla nalang dumating si Hachi kasama si Mau kaya hindi rin ako agad nakaalis.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko talaga matatakasan ang pinsan ko. Ngumisi siya sa'kin bago naupo katabi si Hachi.
"May party mamaya sa restaurant dyan malapit sa academy, are you both invited too?" tanong ni Hachi sa'min ni Mau habang sinisimulang kainin ang pagkain niya.
Sinulyapan ko si Mau na napakunot ang noo dahil sa tanong ni Hachi.
"Yung restaurant na pinuntahan natin dati, Chi? I don't know, hihintayin ko nalang tumawag si mommy." sagot ni Mau.
Napakunot noo ako. Restaurant? Oo nga pala, naalala ko na yung pinagkainan namin ni Ches dati. Sinabi na sa'kin ni Chester na pag-aari pala namin yon.
"Cha? Hey, are you okay?" tanong sa'kin ni Hachi.
Hey...
Aish naalala ko na naman siya.
"Yeah. See you there, later." sagot ko nalang.
Nagkausap na kami ng pamilya ko tungkol sa party na sinasabi ni Hachi at pupunta nga kami.
"O my god. Invited ka pinsan? Eeee! Gusto ko pumunta!" may iilang napatingin sa'min dahil sa pagsigaw ni Mau.
"Pumunta ka wala namang nagbabawal sayo," napairap siya sa naging sagot ko.
Kinurot naman ni Hachi yung pisngi niya at ayon naglandian na sila sa harap ko. Umiwas ako ng tingin dahil baka iba na naman ang pumasok sa isipan ko.
"Nakasimangot ka na naman," napalingon ako sa taong bigla nalang tumabi sa'kin at umakbay.
"Chester! Ang tagal na pala nung huli ko kayong makitang magkasama ni Cha," agad na reaksyon ni Mau sa pagdating ni Chester.
"Bumabawi na nga, Mau. Wag mo naman sirain diskarte ko," napatawa si Hachi at Mau sa naging sagot ni Ches.
Medyo ilang pa si Ches kay Hachi, halata naman. Syempre kaibigan yan nung babaeng nanakit sa'kin. Nagpaalam muna si Ches para mag-order, pagkabalik niya ay maayos naman kaming natapos kumain nang hindi nag-aaway si Hachi at Chester.
Nung matapos kami ay nagpresenta pa si Chester na ihatid kami hindi na ako pumayag.
"Wag mo na kami ihatid kaya na namin ang sarili namin, Ches." napakamot pa siya sa ulo niya at wala ng nagawa kundi magpaalam.
"Sige na, Chi. Sasabay naman ako kay pinsan." pagtataboy rin ni Mau sa girlfriend niya.
Nag-isip pa si Hachi sandali pero sumang-ayon narin. Sabay na kaming naglakad ni Mau papunta sa room namin at maayos naming natapos yung klase.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...