24

159 5 0
                                    

"Lyle?.." tawag sa'kin ni Nanay habang kumakatok sa kwarto ko.

Umuwi ako kahapon dahil sa nangyari at pinagpahinga muna nila kaya aabsent muna ako ngayon. Hindi ko alam kung paano ko babawiin yung mga grades na napabayaan ko pero gagawan ko nalang ng paraan dahil puro ako absent.

"Pasok po," mahina kong sagot sakanya.

Narinig ko naman agad ang kanyang pagbukas ng pinto kaya binaba ko muna ang suklay ko at hinarap siya.

"Bakit po?" tanong ko sakanya.

Sumulyap pa siya sa may side table ko bago ngumiti ng tipid.

"May regalo ako para sayo," ngumiti ako agad dahil sa sinabi niya.

"Talaga po? Para saan naman nay?" naglakad siya papunta sa kama ko at umupo kaya sumunod ako sakanya at tumabi.

"Ibinigay sa akin ng taong napakaimportante sayo, ang sabi niya ay iaabot ko to sayo sa oras na kailangan mo na siya." napakunot-noo ako sa sinabi ni Nanay.

Sino naman kaya yon?

"Anong kailangan ko po? Bakit? Okay naman na ako, nay."

I know I lied. Dahil sa nangyari kagabi hindi ko na alam kung kaya ko pa bang bitawan si Ayako kapag bumalik siya ulit sa'kin. Gusto kong malaman bakit nangyari lahat ng yon sa'min, bakit naging ganon kami.

Nagugulohan parin ako sa nangyari. Kung ako parin bakit kami naghiwalay? Bakit di siya bumalik sa'kin nung nakipagbalikan ako?

"Hindi mo pa naayos lahat, Lyle. Sobrang gulo pa. Yung ngayon? Hindi ito dapat nangyayari." lalo ko siyang kinunotan ng noo.

Ano bang pinagsasabi ni nanay? May alam ba siya na hindi ko alam? Hindi pa man ako nakakasagot ay may isinuot na siya sa'kin.

Hinawakan ko iyon at tiningnan. Isang kwentas at may hugis puso itong pendant. Sa gitna ay may nakaengrave na Monteverde.

"Ano to?," tanong ko kay Nanay habang hawak parin ang pendant ng kwentas na nakasuot sa'kin.

"Your family crest."

Crest? Meron kami nito?

"Why me? Bakit nasa akin to? Hindi lang naman ako ang tagapagmana." tanong ko kay Nanay pero ngumiti lang siya ng tipid.

"Kalahati ng kayamanan niyo ay ipinamana ng lola mo sayo at gusto niyang ikaw ang mag-aangat lalo ng pamilya niyo." hindi na ako nakapagtanong pa dahil tumayo na agad si Nanay at umalis.

Tinitigan ko yung pendant, parang nakita ko na ito dati. Bumuntong hininga nalang ako at tinago sa loob ng damit ko yung pendant. Ito nalang yung gagawin ko para hindi makita ng mga tao yung pendant dahil hindi ako kampanteng suot ko ito.

Hindi ko parin maintindihan ang mga sinabi ni Nanay.

"Kumain ka muna," tawag sa'kin ni mommy pagkababa ko.

Nilingon ko siya.

"I have to go baka malate na naman ako," hindi na siya nakakontra pa at naglakad na ako agad palabas ng bahay.

"Ma'am ihahati - - - "

"I'll drive." putol ko sa sinabi ng driver namin at agad kong kinuha sa kamay niya yung susi saka sumakay sa kotse.

Hinayaan ko silang pati ako ay ilantad pero hinding-hindi ko na sila hahayaang kontrolin ang buhay ko. Yes, napatawad ko na sila but I will never enter that damn mafia.

"Cha!" salubong sa'kin ni Mau pagkalabas ko ng kotse pagkatapos ko itong e park.

"Let's go." pag-aaya ko sakanya at hinila na siya papunta sa magiging klase namin.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon