"Saan mo siya dadalhin?! Anong gagawin mo?! Ano yan?!" sunod-sunod na sigaw ni Mauren nung pumasok na naman si Mirtle sa silid kung nasaan kami.
Tinayo ako nung mga kalalakihan at pinosasan bago tanggalin sa pagkakagapos ang katawan ko. Kitang-kita ko yung iilang galos sa braso ko dahil sa mahigpit na pagkakagapos sa'kin nung lubid.
"Somewhere at pwede ba?! Manahimik ka!" singhal ni Mirtle kay Mau.
Sinamaan siya ng tingin ni Mau.
"And oh, ito?" nakangiting tanong ni Mirtle at itinaas ang case na dala-dala niya.
"Hmm let just say it's drugs. A peace of offering. Ang magiging kabayaran ko sa pamilya ni Ava kapalit ng pahintulot nilang pakasalanan ko si Ava." nakangisi nitong usal.
"Drugs. It is why we felt weak? You used it to us!" sighal ni Kira na ikinatigil ko.
Kaya ba nanghihina kami?! Kaya ba nahilo ako nung gabing yon? Damn.
"Matalino ka parin talaga, Kira. Nga lang hindi ka pa masyadong kilala ng mga pinsan mo but it's not my problem anymore. Si Chasta lang naman ang kailangan ko ngayon." hindi na nakaangal pa sina Hachi dahil hinila na ako nung mga lalaki palabas ng silid.
Nakasunod lang kami kay Mirtle na hindi ko alam kung saan pupunta. Bigla nalang may nagtakip sa mga mata ko at hindi ko na alam kung saan nila ako dinala. Ang alam ko lang ay sumakay kami ng sasakyan at medyo may kalayuan ang pinuntahan namin.
"Ang lakas ng loob mong pasokin ang opisina ko, Valencia." kilalang-kilala ko ang malamig na boses na iyon.
Anong araw na ba? Ilang araw na ba ang nakalipas? Nakauwi na ba sila?
"I just crashed your fucking moment with your secretary." sagot sakanya ni Mirtle kasabay ng pagtanggal ng takip sa mga mata ko.
Kitang-kita ko ang pagmamadali ng isang babaeng umalis. Halos hubad na ito pero hindi niya iyon ininda at nagmadali paring makalabas sa silid kung nasaan kami. Binalingan ko ng tingin ang taong nasa harap namin na pinasadahan din ako ng tingin. Kakatapos niya lang ayosin ang sarili niya mula sa milagrong ginagawa nila nung secretary niya kanina. Sinulyapan pa nito ang ilang galos sa braso ko pagkatapos ay ang sugat ko sa labi ng dahil sa pagsampal sa'kin ni Mirtle.
"You hurt her." may diin nitong saad at tumayo.
Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang naging reaksyon niya. Akala ko ba ay gusto niya rin akong patayin? Why is he acting like that?
"Who cares? Wag mo sabihing takot ka na sa kapatid mo, Keno. That's new." nakangising saad ni Mirtle na ikinasama ng tingin sakanya ni Keno.
Ngumisi ito.
"Hindi ba dapat ikaw ang nakakaramdam ng takot ngayon? You are in my territory, young lady."
Hindi nakatakas sa'kin ang paghigpit ng hawak ni Mirtle sa'kin na mukhang epekto ng pagbabanta ni Keno.
"What do you want?" pag-iiba ng usapan ni Keno at umayos ng upo sa shivel chair niya.
"I have something for you." nakangiting saad ni Mirtle at inilapag sa mesa ang dala niyang case.
Binuksan niya ito at lumantad sa harapan ko ang napakaraming likido na sinasabi niya kaninang drugs.
"What is that?" walang pakialam na tanong ni Keno at nakuha pang ipagkrus ang braso niya.
"Stupid. It's drugs." pagtataray ni Mirtle.
"Watch your mouth, bitch. Anong gagawin ko sa walang kwentang mga yan? I will never let my mafia join you." nakita kong napairap si Mirtle sa naging sagot ni Keno.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
AksiChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...