32

134 4 1
                                    

"Ihja." nakangiting salubong sa'kin ni Tita Cheska, ang mommy nina Chester.

"Tita." bati ko at nakipagbeso sakanila ni tito.

Kararating lang namin ni mommy dito sa napakalaking mansyon nila. Sobrang yaman talaga ng mga Monteverde, of course pati na ang mommy ko na kapatid ni tito.

"Maupo muna kayo, pasensya na wala dito sina Chester may nilakad lang." nakangiti paring sabi ni tita.

Nagkamustahan sila ni mommy pagkaupo namin. Hindi ko naman talaga alam kung bakit kami nandito. Pinalipat kami nina tita dito sa lugar na malapit sakanila. Kilala ko naman ang mga pinsan ko at nakasama ko na rin sila lalo na si Chasta na ang alam ko ay nasa States ngayon. She is sick daw eh.

"Ihja kumain ka muna," aya ni tita noong maglapag na yung isang maid nila ng snack.

Ngumiti ako at masayang kinain ang nasa mesa. Napakasarap.

"Anak gusto ka sana naming kausapin ni tita Cheska mo." baling sa'kin ni mommy nung matapos sila sa pag-uusap ng hindi ko alam kung tungkol saan.

"Sige po," magalang kong sagot at hinarap sila.

Hinawakan ako sa kamay ni tita.

"You will be transferred in Emerald Academy. Gusto mo ng thrill diba?"

Agad lumiwanag ang ekspresyon ko sa tinanong ni tita. Of course! Mahilig kasi ako manuod ng action movies at gustong-gusto ko iyon.

"Opo naman po,"

"That's good to hear. Doon kasi ay may iilang nag-aaral na membro ng mafia."

"Mafia po? Diba po pumapatay sila?"

"Of course darling. But only when they have to. At ipapasok kita don para makilala sila. That school will surely enter some activities at pagmagiging isa ka sa representative. Mapapasok mo na ang Pandemonium. And there, you will know everything about mafia." mahabang paliwanag ni tita na hindi ko parin maintindihan.

Bakit ko naman kailangang malaman ang tungkol sa mafia na yan?

"Mauren listen. Do you trust me?" tanong ni mommy.

Tumango ako agad ng maraming beses.

"You have to follow what your tita say, okay? You need to help us." napakunot-noo ako sa naging saad ni mommy.

"Po? Bakit po?"

"We are mafia too, darling. Me and your mother holds the Derv Mafia."

Manghang-mangha ko silang tiningnan dahil sa sinabi ni tita. Ngumiti lang si mommy at tumango. Nakaramdam naman ako bigla ng excitement.

"Is it mean I'm joining the mafia thingy soon? I'm gonna learn how to fight?" tanong ko sakanila.

"Of course, pero kapag nangyari iyon ay kailangan hindi malaman ni Chasta ang tungkol don. Alam mo naman yon, sobrang inosenti ng pinsan mo." agad na bilin ni Tita na ikinaisip ko.

Limang taon ko ng hindi nakasama ang pinsan ko at miss na miss ko na siya. Kung sasali ako sa mafia ay baka manganib din ang buhay niya. Baka ako pa mismo ang maging dahilan para hindi na kami magkita pa.

Bigla akong nalungkot.

"H-Hindi na po ako sasali. Gusto ko pong makasama si Cha, aantayin ko po siyang bumalik."

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon