6

206 11 0
                                    

"Cha? Kakain na." tawag ni Ate Chantal mula sa labas ng kwarto ko.

Dalawang linggo na yung lumipas, kina Ate Chantal ako sumasama sa school kaya hindi ako nalalapitan nina Ayako.

Iniwasan ko rin si Mauren at mas piniling dito sa bahay umuuwi. Alam kong napapansin na yon nina Ate na may problema kami ni Mau at inaantay lang nilang mag open up ako.

"Susunod ako Ate!" sagot ko bago tumayo at nag-ayos na.

Napabuntong hininga nalang ako. Monday na naman bukas.

"Chasta, are you okay?" tanong ni mommy habang kumakain kami.

Napatingin din sa'kin ang mga kapatid ko.

"Opo. Pagod lang." sagot ko.

Hindi na sila muling nagtanong pa. Pagkatapos kumain sinamahan naman ako ni Chester agad sa family doctor namin para magpacheck up.

After that kumain lang kami at umuwi na para makapagimpake na ako. Babalik na ako sa dorm. And I guess kailangan ko naring makausap si Mauren.

"You want to ask something?" tanong ni Chester saka tumingin sa'kin nang mapansing kanina ko pa siya tinititigan.

"May alam ka." napaiwas agad siya ng tingin

"It's for your own good, Cha."

"What own good?! All of you lied to me!"

"Hindi mo na kailangan pa malaman kung anong meron sa academy, Cha. After we graduated aalis na tayo dito. We're going back to States."

"Nasaan kayo nung may nangyari kay Mau? I'm straight! Mauren is straight! Anong nangyari Ches!"

"Ate Chan and Ate Chantal aren't straight too. Please, understand them."

"Hindi ko naiintindihan Ches. Bakit hindi niyo sinabi? Anong alam mo? Sino sina Ayako? Bakit takot sakanila ang mga nasa academy?!"

"Cha, enough. Hayaan mo na sina Vash. Iwasan mo na si - - - "

"Stop the car. STOP THE FUCKING CAR CHESTER MONTEVERDE!" wala nang nagawa si Ches at inihinto nalang yung sasakyan.

Kinuha ko agad yung malita ko at naglakad palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang makalayo kay Chester. Pinili ko nalang na sumakay sa taxi pabalik sa dorm. Tahimik kong inayos yung mga gamit ko sa kwarto saka nag-ayos para umalis ulit.

Hindi ko alam kung nasaan si Mauren dahil pagdating ko wala siya. Dumiretso ako sa isang bar sa may malapit. Maggagabi narin.

Pagkapasok ko ay nag-order agad ako nang maiinom saka naupo sa isang sulok. Tahimik kung pinapanuod yung nagsasayawan sa gitna. Maya maya lang nakaramdam na ako ng pagkahilo. Mukhang tinatamaan na ako ng alak na iniinom ko.

"Miss sayaw tayo?" hinawakan ako nung taong nag-aya sa'kin pero iniwas ko lang yung kamay ko at tumayo.

Muntik pa akong matumba kaya nahawakan niya ako.

"Lasing ka na," bulong nung lalaki at inalalayan ako papunta sa kung saan.

"Bitawan mo ko.." bulong ko, ilang ulit ko pang binawi yung kamay ko pero lalong humihigpit ang hawak niya sa'kin. Napapikit ako dahil sa biglaang pagkahilo ko kasabay nang paghawak ko sa ulo ko.

"Shhhh," bulong nung lalaki na nakaakalat parin sa'kin.

"S-San mo ko dadalhin? Bitawan mo ko! Ano ba!" pagpupumiglas ko pero huli na dahil napasok na niya ako sa isang kwarto.

Sinipa ko siya kaya nabitawan niya ako pero nahilo rin ako agad at napaupo.

"Urgh, my head." daing ko hawak parin ang ulo ko.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon