2

366 13 0
                                    

"Chasta! Earth pinsan!"

"Aish ano ba Mau!" nakasimangot na saway ko sakanya.

Umupo narin siya nang maayos mula sa pagkakaupo malapit sa'kin para sigawan ako sa tenga.

"Kanina ka pa kaya tulala. Like hello? Buong klase natin sa umaga, tulala ka."

Iniisip ko lang naman kasi yung sinabi nung Ayako sa'kin kahapon. At sino yung mga dumating at kumausap sakanya.


"Ayan ka na naman Mau. Isusumbong na talaga kita kina Ate Chantal. Baka mamaya niyan tulala ka na kakaisip sa crush mo!"

"Anong crush pinagsasabi mo!"

"Huh? Di nga? Wala ka pang crush dito? Sa dami ng gwapong students dito?" pangungulit sa'kin ni Mauren. I rolled my eyes.

"Wala nga." sagot ko. Aangal pa sana siya nung bigla nalang may humarang sa harapan namin.

"Hi? Chasta, right?"

"Ops. Speaking of gwapo." bulong sa'kin ni Mauren.

Pinasadahan ko yung tatlong lalaking nasa hrapan namin. Yung nasa gitna yung bumati sa'kin at may inabot din siyang isang box ng chocolate.

"Wag ka na mahiya pinsan, kunin mo na." bulong sa'kin ni Mau at mahina pa akong siniko.

Wala na akong nagawa at inabot yon saka ngumiti ng tipid.

"Are you free tonight? We're going to the bar." pag-aaya agad nung lalaki.

"H-Huh?"

"Nako mister ha, di ka pa nga magpapakilala inaaya mo na agad yung pinsan ko." pagsalo sa'kin ni Mau nung di ko magawang sabayan yung lalaki.

"Oo nga pala, sorry. I'm Ryan Copper." pakilala nung lalaki at medyo ngumiti pa ng pilyo.

Nakita ko namang napapangiti rin yung nga kasama niya. Mukhang playboy.


"Sorry, I can't play your game." diretsa kong sabi na nagpatigil sakanila.

"Huh?" nagtatakang usal naman ni Mau at tiningnan pa talaga ako nang nanlalaki ang mata.

"What the hell are you talking about, Miss?" naiinis na tanong sa'kin nung Ryan.

"Hindi ka naman pala gusto, pre." rinig ko pang sabi nung isang kaibigan niya.

"Shut up." mukhang naiinis na nga siya.

"You know what? Umalis na kayo and oh! Dalhin mo narin tong basura mo." pagtataray ko at hinagis sakanya yung chocolate na muntik na niyang di masalo.

Laro yung gusto niya diba? Sorry, hindi ako nakikipaglaro.

"Anong sabi mo? Hinahamon mo ba ako ha?!"

"Ryan, kalma. Hindi lang sanay yung pinsan ko sa ganito. Umalis nalang kayo para walang gulo." pagpigil naman ni Mau don sa Ryan.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon