"Isa pa!" sigaw sa'kin ni Ayako dahil medyo may kalayuan siya sa'kin.
Napakamot ako sa ulo ko at umulit sa pagpwesto. Archery yung activity namin ngayong araw at ito nga at tinuturuan kami nung mga marunong na. Buong klase namin ay nandito sa area para sa archery at nakatingin lang sa'min yung prof namin.
"O my god!" sigaw ko nung nawalan ako ng balanse at biglang nabitawan ang arrow na hawak ko.
"Kyaaaaah!" sigaw nung babaeng muntik ng matamaan, buti nalang at nasalo agad ni Ayako yung arrow.
Ang bilis niya talagang gumalaw, tinakbo ko agad yung pwesto nila at biglang nag-init yung dugo ko nung makita kong sino yung muntik ko nang tamaan.
"Sayang naman at hindi ka natamaan," napatingin sila sa'kin ni Ayako.
Hawak parin ni Ayako yung arrow habang nakatayo sa may gilid ni Mirtle.
"Nababaliw ka na ba?!," sigaw niya sa'kin at umayos sa pagkakatayo.
Mukhang nagulat nga talaga siya sa nangyari.
"Sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin Mirtle, hindi ako gaya mo na nagpapakahirap pang magpakaplastic," tiningnan niya ako ng masama.
"Pagkatapos kitang iligtas gaganyan ka lang?! Wala ka bang utang na loob ha?!" napatawa ako ng peke dahil sa sinumbat niya.
"Really? Did you really help me o baka naman pagpapanggap lang yon," hindi siya makatingin sa'kin dahil sa sinabi ko.
"Angel taposin na natin yung practice mo," pag-aaya sa'kin ni Ayako bago maunang maglakad.
Nginisihan ko si Mirtle.
"Pinili kong pumasok sa buhay niya, wag mong isiping mapapadali ang gusto mo Mirtle." bulong ko bago humabol kay Ayako.
Tinapos narin namin agad yung practice ko dahil gutom narin ako.
-
"Ang sakit parin ng ulo ko gash," reklamo ni Mau.
Breaktime na at magkasama kami sa cafeteria dahil umalis na naman sina Ayako. Tinanong ko siya kagabi tungkol sa pag-aalis nila at sinabi niya saking mga bagay iyon tungkol sa mafia nila at sa iilang misyon mula sa head ng Pandemonium.
Ibig sabihin may iilang misyon na palihim na binibigay ang head para sa labanan ng mga academy at kung sinong misyon ang unang matatapos ay panalo.
"Tulala ka na naman gaga, ako nalang kakain nitong pagkain mo," agad kong tinampal ang kamay ni Mau na balak sanang agawin ang pagkain ko.
Magdusa siya, bakit kasi iinom-inom kagabi.
"Pinsan naman, manghihingi lang e"
"Mag order ka ulit don," pagsusungit ko at sinimulan ng kumain.
Napatigil kami pareho ni Mau at napatayo nung may bigla nalang sumipa sa mesa namin dahilan para bumaliktad ito.
"Putangina, ano bang problema mo ha?" galit na tanong ni Mau don sa babae.
Mag-isa lang siya at galit din kong makatingin sa'min.
"Pwesto ko to, e ayaw niyong umalis. Ano bang gusto niyong gawin ko? Magmakaawa?" napairap ako dahil sa naging sagot nung babae.
"Hindi kami naghahanap ng gulo, kinausap mo nalang sana kami ng maayos." sagot ko.
Napatingin siya sa'kin at ngumisi.
"Maayos? Everyone here knows na spot ko to so you have at least ask them before sitting here." may diing sabi niya at inilapit pa ang mukha sa'kin.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
AksiChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...
