4

267 8 0
                                    

"San punta mo?" tanong ko kay Mau nang bihis na bihis itong lumabas sa kwarto niya.

Puro laro lang ngayong araw at sa mga susunod pa na araw kaya napag-isipan kong di nalang lumabas.

"May gagawin lang ako, ikaw? Dito ka lang? Wala ka bang planong suportahan sa laro si Chester?" kunot noong tanong sa'kin ni Mau.

May laro si Ches?

"Wala siyang sinabi sa'kin na may laro siya."

"Kailan ba siya nagsasabi? Alam mong mas gusto non na nagpapahinga ka."

Hindi ko na sinagot pa si Mau at tumayo nalang para mag-ayos. Babawi ako dahil hindi ko siya nakausap nung isang araw.

Ilang minuto lang ay nahanap ko na kaagad kung nasaan si Chester. Sila pala ang boys basketball team namin.

"Cha!" rinig kong tawag sa'kin ni Chester.

Hindi pa kasi sila nagsisimula. Nakangiti pa siyang lumalapit sa'kin.

"Bakit ka nandito? Si Mau?" tanong niya agad sa'kin pagkalapit niya.

"Manunuod ako, wala si Mau may ginawa lang."

"Pero Cha - - - "

"Ches uupo ako malapit sainyo okay? Don't worry. Saka pambawi ko to dahil hindi kita kinausap nang maayos nung monday." hindi na siya nakaangal pa dahil sa sinabi ko at sinamahan nalang ako sa uupuan ko.

Pinakilala pa niya ako sa teammates niya bago ako tabihan sa pagkakaupo.

"Sure ka bang ayos ka lang dito?" tanong na naman ni Ches.

Hinawakan ko yung kamay niya at tumango. Hindi ko alam kung bakit sobrang protective sa'kin ng kapatid ko. Hindi naman ako mamamatay agad habang nanunuod lang.

Hinalikan na ako agad ni Ches sa pisngi saka nagpaalam dahil magsisimula na yung laro.

-

Natapos yung laro at nanalo sina Chester. Agad rin naman itong nagpaalam sa mga kasama niya para lapitan ako.

"Ihahatid na kita. Don nalang tayo kumain."

"Pero Ches ...."

"Oo na, ililibre kita wag mo na gamitin yang mga mata mong yan." pagsuko ni Ches na ikinatawa ko.

Umeepekto parin ang pagpapacute ko sa kakambal ko. Ilang minuto lang yung nakalipas ay nakarating na kami agad sa isang restaurant malapit sa academy.

Mukhang kilala ng may-ari ang pamilya namin dahil ang manager nila ang lumapit  sa'min pagkapasok namin ni Chester.

Habang kumakain nakita kong papasok si Mau kasunod si Hachi. Hindi nila kami napansin kaya hindi narin ako nag-abala pang tawagin si Mau.

Pero bakit sila magkasama?

-

Dalawang araw na ang nakalipas at huling araw na ng foundation week namin, and it's Saturday. Hindi ko parin nakakausap si Mau tungkol don sa nakita ko. Hindi ko narin nakita pa sina Ayako at yung grupo nina Hachi.

"Hindi ka pupunta?" tanong sa'kin ni Mau na bigla nalang pumasok sa kwarto ko.

Napalingon ako sakanya, oo nga pala may magaganap na ball mamaya.

"Hindi."

"Sige, maiwan na muna kita. Uuwi muna ako sa bahay para makapaghanda para mamayang gabi." tinanguan ko nalang siya dahil sa sinabi niya.

Natulog nalang ako uli para masulit ko yung araw na to dahil pasukan na naman sa monday.

"Babae, gising." hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yung narinig ko pero imposible namang nandito siya.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon