13

185 10 0
                                    

"Anong mukha yan?" bulong sa'kin ni Mau.

Napatingin ako sakanya habang naglalakad parin kami papunta sa room namin. Kasunod lang namin sina Ayako na mukhang nag-uusap usap din.

"H-Huh?"

"Nako pinsan, kilalang-kilala kita."

"Pinagsasabi mo? Ano bang dapat gawin ko gaga," napatawa siya.

Ano bang nangyayari sa pinsan kong to?

"Kanina ka pa nakasimangot, halatang selos na selos ka sa mga tingin ng mga estudyante dito ha." pang-aasar niya, kinunotan ko siya ng noo.

"A-Ano? Wag mo nga akong inaano!," napailing-iling pa siya sa naging sagot ko.

Ano bang problema niya?

"Bakit di mo pa kasi sagotin," nagawa pa niya akong sikohin habang bumubulong.

Anong sagotin ba? Wala ngang nanliligaw!

"Alam mo Mau, don ka na nga sa jowa mo!," tinulak ko siya ng mahina pero nasalo rin naman siya ni Hachi.

Psh.

"Easy..., ano bang pinag-uusapan niyo?" nakangiting tanong ni Hachi.

Naramdaman ko naman ang pag-akbay sa'kin ni Ayako. Nilingon ko siya at nginitian.

"E pano ba naman kasi, itong pinsan ko - - - hmp!" tinakpan ko yung bibig niya kaya napabitaw si Ayako sa pagkakaakbay sa'kin, nabitawan rin naman siya ni Hachi.

"Mauren!"

"Let her talk, Angel.." napasimangot ako sa sinabi ni Ayako.

Mukhang kinakampihan pa tong pinsan ko, hmp! Binitawan ko si Mau na nakangisi na.

"Ayan! Yang anghel mo nagseselos!" tinuro-turo pa ako habang nagsusumbong.

"Woahh..," rinig kong reaksyon ni Kira. Nasa likuran namin sila nina Dione at Kanna.

Pasalamat talaga si Mau na malapit siya sa jowa niya. Tiningnan ako agad ng mapang-asar na tingin ni Hachi habang nakatingin lang sa'kin ng puno ng pagtataka si Ayako.

Napangiti ako ng pilit kay Ayako.

"You're jealous?," bakit ba parang naging inosenti siya sa mga bagay-bagay?

"Hindi ah!" agad na deny ko at mas binilisan ang paglalakad.

"Hindi daw, talaga Cha? So ayos lang na tumanggap ng regalo si Vash sa kanila?" rinig kong tanong ni Mau.

Kusa akong napataas ng kilay at humarap sakanila na ngayo'y tumatawa maliban kay Ayako na nakangisi lang.

"Tangina mo, Mau!"

"Oh? Akala ko di ka nagseselos?"

"E bakit kasi panay tingin sila sakanya ha! Kung titigan nila akala mo hinuhubaran na!" nakasimangot kong sigaw.

Nagulat ako nung sa isang kurap nasa harap ko na si Ayako at agad na pinulupot ang kamay niya sa beywang ko saka ako nilapit sakanya.

"But I like it better when you're the one doing it," nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi dahil sa sinabi niya.

Narinig ko agad ang mga pang-aasar nina Mau. Nakita ko rin ang iilang mga gulat na tingin nung mga nakatingin sa'min.

Nakalimutan ko na namang may mga nakatingin urgh!

-

"Aray ano ba Mau!" reklamo ko saka hinawakan ang noo kong pinitik niya.

Napakabruha talaga ng babaeng to. Break time na at nagpaalam lang sina Ayako sa'min na may pupuntahan sila. Nandito kami sa cafeteria. Wala pa namang kakaiba sa lugar na to, nawala narin yung mga tinging naramdaman ko kahapon.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon