14

161 11 0
                                    

"Urgh ano naman kayang mangyayari mamaya," rinig kong reklamo ni Mau.

Magkasama kami sa library dahil dito kami iniwan nina Ayako. May pupuntahan na naman ata sila.

Ilang araw na ang lumipas at ganon parin naman, normal na pag-aaral ang nagyayari sa'min. Wala nang kakaibang nangyari pagkatapos nung gabing yon. Nitong mga nakaraang araw rin ay nakakatanggap ako ng ilang text na galing parin don sa numerong nagtext sa'kin. Sometimes it will keep asking how's my day or whatever.

Lunes ngayon at ito ang unang araw para sa isang performance task namin.

"Gold, pinapatawag na tayo sa gym." tawag ng isa ata naming kaklase kay Mauren.

Why are they keep calling us our codenames? Ako at si Mauren, napapansin ko yon.

"Tara na, mamaya ka na tumulala pinsan." aya sa'kin ni Mau at hinila na ako papuntang gym.

Mukhang alam ko na kung anong gagawin.

"Sigurado ka bang maglalaro ka?," tanong sa'kin ni Mau.

Ang magiging performance task namin ay volleyball. May mga naglalaro na at nandito narin sina Ayako na nagpaalam lang para magbihis. Magkateam kami since anim naman kami.

Oo nga pala, hindi ko parin nakikita sina Megumi. Mukhang tama akong umatras sila.

"Gold! Team niyo na!" tawag ng prof namin.

Lumapit narin kami dahil dumating na sina Ayako. The prof keep telling us some rules and whatever. Hindi ko kilala yung kalaban namin pero alam kong kaklase namin sila, of course.

Nagsimula na yung laro at masasabi ko namang magaling yung mga kasama ko. Maganda naman yung takbo ng laban dahil magaling din yung kabila. Natapos ang isang set na hindi man lang ako napagod dahil sinasalo nina Hachi yung bola para sa'kin.

Alam ko namang wala pang alam sina Ayako sa sakit ko, siguro gusto lang talaga nilang di ako mapagod dahil ganon rin naman sila kay Mau at Kira.

Kaya nga di rin pagod yung dalawa.

Pagkatapos ng ilang minutong break ay nagsimula na ulit yung laro. I serve at nakakascore naman. Not until nakaramdam ako ng pagkahilo.

"PINSAN!" rinig kong sigaw ni Mau kasabay ng pagtama ng bola sa'kin.

"Shit, Angel!" si Ayako.

Hindi na ako nakapagsalita, everything went black.

-

"Hey..gising na siya," nilingon ko yung nagsalita.

Pawis na pawis siya at hawak hawak niya yung kamay ko.

"K..Ko" mahinang sambit ko.

She kissed my hand.

"Shhh..may masakit ba? Ayos ka lang ba?" puno ng pag-aalalang tanong niya.

Hindi na ako nakasagot dahil lumapit agad yung isang nurse at may kung ano-anong cheneck sakin. Nakita ko ring nakaupo lang sa may gilid sina Hachi.

"Ilang oras lang ay pwede na siyang makaalis," tumango lang si Ayako don sa nurse.

Umalis narin naman ito agad.

"Pinsan? Okay ka lang ba?" tanong ni Mau na lumapit na sa gilid ko.

Mukhang hindi na nila ako dinala sa hospital, clinic lang ata to kung nasaan kami.

"Para namang malala yung nangyari, gaga." sinamaan niya ako ng tingin kaya ngumiti lang ako.

"Pasalamat ka at nanalo parin tayo,"

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon