7

251 12 0
                                    

"Tara." agad akong napatitig sa taong sumalubong sa'kin pagkalabas ko ng pintuan ng classroom.

Hindi pumasok si Mauren kanina kaya hindi ko alam kung nasaan na yon, gusto ko pa naman sana siyang kausapin tungkol sa sinabi sa'kin ni Hachi kanina.

"You're spacing out." napakurap ako dahil sa lapit ng mukha niya sa'kin.

Umatras rin siya agad dahil marami ngang nakatingin sa'min.

"Where are we going?" tanong ko pero kinuha niya lang yung gamit ko at hinila na ako paalis.

"Sinabi ko na sayo kaninang susunduin kita." out of nowhere na sabi ni Ayako at agad na nilagay sa passenger seat lahat ng gamit ko.

She even open the door ng shotgun seat para papasokin ako. Tahimik lang akong sumunod sa gusto niya. Dinala niya ako sa dorm niya at sabay kaming nagpalit. May kalayuan yung dorm nila sa parking lot kaya kami nagkotse papunta don. Bumalik rin kami kaagad sa kotse niya at dumiretso na siya sa pagdadrive papunta sa likod ng academy. Diniretso namin yung bakuran na pinagdadragracesan nila. Ang lawak pala at medyo malayo na yung narating namin.

Nakita kong sa may harapan ay isang abandonadong storage room ang naroon. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas kaya pumarada narin si Ayako. Medyo hindi ko na kita yung academy mula dito. Hindi ko nakita yung lugar nato don sa monitor huh mukhang iniwas nila ito na mahagip ng camera.

"Why are we here?" tanong ko pagkalabas ko ng kotse.

May sinuot siyang maskara sa'kin bago nagsuot ng sakanya. Tanging mata hanggang sa ilong lang ang natatabunan nito pero hindi naman umabot sa may baba kaya nakakahinga parin kami. Hindi na ako umangal pa dahil di ko rin naman alam kung bakit kami nandito.

Nilagay niya yung kamay niya sa beywang ko at inalalayan ako papasok sa abandonadong storage room. Yumuko pa yung dalawang bantay sa labas kay Ayako bago kami pinapasok.

"Gusto mo akong makilala diba? I'm not keeping secrets to you anymore." bulong niya.

Inilibot ko yung paningin ko sa paligid. Isang casino ang pinasukan namin. Maraming lumapit kay Ayako at nakipagkumustahan. Mas lalo niya pa akong inilapit sakanya nung mga lalaki na ang nagbalak na lumapit.

"Kung saan-saan dumadapo ang paningin mo, Serpent." malamig na sabi ni Ayako sa lalaking nasa harapan namin na panay ang sulyap sa'kin.

Napakamot ito ng ulo at agad na umalis. Hinila narin naman ako ni Ayako sa kung saan. May inabot siyang gold na parang credit card sa lalaking nakabantay sa isang pintuan bago kami pinapasok. Tinahak namin ang isang madilim na hagdan pababa.

Ilang hallway na pula ang ilaw pa ang nadaanan namin, may mga nakikita pa akong naghahalikan sa ilang gilid. Babae at lalaki, babae at babae at lalaki at lalaki. Iniwas ko agad ang tingin ko.

Maya maya lang narating na namin ang isang malawak na lugar parang isang bar. May malaking ring sa gitna. Maraming taong nakamaskara ang sumasayaw, may nag-iinoman sa gilid, and some are making out.

Damn..Anong lugar to?

Naramdaman ko na naman ang kamay ni Ayako sa beywang ko at saka ako inalalayan palapit sa isang bar counter. She ordered hard drinks pero para sakanya lang iyon at light lang ang binigay sa'kin. Pinaupo niya ako sa isang stool at pinaharap kung saan siya nakatayo at nakasandal sa counter.

"Sino siya? Ngayon ka lang nagdala ng ganito ka gandang babae dito, Raven." napakunot-noo ako sa tinawag sakanya ng bartender.

Mukhang kakilala niya. At pamilyar sa'kin ang tinawag sakanya ng lalaki.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon