20

140 6 0
                                    

"Bunch of stupid," bulong ko bago lampasan walang kahirap hirap yung ibang kotse.

Nakita ko sa peripheral vesion ko na nakahawak lang si Chasta sa seat belt niya at kitang-kita sa mata niya yung pagkamangha sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba sakanya at hindi ko alam kung dapat ko bang ikabahala yon.

Kinakabahan ako na baka siya mismo ang tatalo sa demonyong nakatago sa pagkatao ni Vash.

"Enjoying?," nakangiti kong tanong sakanya na ikinalingon niya sa'kin.

Pinipilit kong iwaksi sa isipan ko yung nga naisip ko kanina. Ngumiti siya kaya nakaisip ako agad ng kalokohan.

"Okay then, let's make the game more fun." nakangising sabi ko at piniling mas bilisan ang takbo ng sasakyan.

Agad akong nakaramdam ng excitement sa loob ko nung nasa daan na kami na iisang sasakyan lang ang makakadaan at kapag nahulog ka sa bangin sa gilid ay siguradong patay ka.

I love this kind of thrill. Buhay ang nakataya at sa demonyong tulad ko? Mas ginaganahan ako. Napatingin ako sa side mirror nung may bigla nalang may bumangga sa likuran ng sasakyan ko.

Cathalia, the bitch.

"What the hell is she doing?," nakatingin din si Chasta sa side mirror at mukhang nakilala niyang si Cathalia yung nakasunod sa'min.

"Walang kaibigan sa laban kapag death race ang usapan, Chasta. Matagal na niya akong gustong matalo." napatingin siya sa'kin.

Ano bang nasa isip mo?

"Madalas ako dito at sa ilang taon, ako parin ang kampyon sa larangan ng death race." dugtong ko dahil mukhang interesado siya.

Hindi ko naman sinasama sina Vash dito kaya mas sikat ako sa lugar nato pero kilala rin naman sila dito dahil nga sikat din kaming Mafia. Pero ang nakakaalam na mafia kami ay yung mga mafia lang o konektado lang din sa mafia. Hindi parin alam ng mga normal na tao lang na Kitagawa kami.

Napabalik ako sa realidad nung biglang tumunog yung cellphone ko.

Cathalia's Calling....

Kinuha iyon ni Chasta dahil nagmamaneho ako at sinagot saka inilagay sa speaker.

"Princess Kira," hinding-hindi mo ko masisindak sa boses mo Cathalia.

"What do you want?," tanong ko habang pilit paring iniiwasan ang pagbubunggo niya sa likuran namin.

What a bitch. Nang-aasar talaga siya!?

"Let's have a deal."

Still in that shit, Cath. You will never win.

"What deal?,"

"If I win give me that lady beside you, if you win I'll do everything you want."

hmm.

Magandang laro pero alam ko namang hinding-hindi niya makukuha ang taong nasa tabi ko. Not when she's with our demon.

"Deal." agad na sagot ko.

"WHAT THE HELL KIRA?!" sigaw sa'kin ni Chasta.

Mukhang di niya nagustohan yung deal.

"Calm down, Chasta. If I lose do you think Vash will let her get you?"

Your girl will never let anyone touch you.

"At isa pa, I won't let that happened. She will never have you." nakangisi kong sabi bago humarap sa daan.

Hinding-hindi ko hahayang mapatay ako ni Vash dahil lang sa mangyayari dito. Oo inutusan ako ni Vash na dalhin si Chasta dito, maybe to make her braver.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon