"Anong nangyari kagabi?"
"Hindi mo alam kung sinong naghatid sayo dito?" tanong ko kay Mau nung tanongin niya ako kung anong nangyari kagabi.
Natapos yung gabing yon na hinayaan ko lang yung sarili kong mag-enjoy kasama si Ayako. Nakita ko pa nga non si Dione at Kanna na sumasayaw rin. Sobrang saya din nila.
"Huh? Bakit?"
"You're drunk, Mau. Inihatid ka dito ni Hachi."
"Hachi?! Ano?! Bakit mo hinayaang siya yung maghatid sa'kin?!" naghehysterical na tanong niya.
"Huh? Nagmamalasakit lang yung tao, Mau."
"Nagmamalasakit?! Are you crazy?" bakit ba parang galit siya kay Hachi?
Magka-away ba sila?
"Bakit ano bang nangyari? May hindi ka ba sinasabi Mau?" tanong ko na ikinahinto niya.
Napahawak pa siya sa ulo niya at napayuko, napansin ko ring napahawak siya sa labi niya. Nababaliw na ba siya?
"Wala! Walang nagyari at walang mangyayari!" nagulat ako dahil sa sigaw niya at mabilis na pagpasok uli sa kwarto niya.
She's acting so weird.
Nagluto nalang ako para makapaghanda na ng breakfast namin. Nagplano kasi akong maglakad-lakad muna sa academy since linggo naman ngayon.
Pagkatapos kumain ay iniwan ko na ang tulalang si Mau sa dorm. Naglibot-libot lang ako hanggang sa may narinig akong bulongan nang iilang estudyanteng nakatambay sa tambayan na may laban daw sa likod ng academy.
Agad akong nagpunta don para makita kung tungkol saan yung laban. Mukhang isang drag race. Naghanap na ako ng pwesto para makita ng maayos yung laban. Sa may kalayuan nakita kong nakatayo sina Hachi, Kira, Kanna at Dione. Yung suot nila yung para sa drag race, sumali din ata sila sa laban. At mukhang tapos na yung sakanila.
Napansin kong napalingon sa gawi ko si Kanna at may binulong kay Dione. Sabay nila akong nilingon at naglakad agad palapit sa'kin.
Kitang-kita ko pa ang gulat at pagtataka sa mga nakatingin, bakit hindi? Agaw pansin sina Hachi dahil sikat nga sila.
"Why are you here?" tanong sa'kin ni Dione.
"Napadpad lang ako dito."
"Well you can watch here. Mas magiging maganda yung laro kung nandito ka." hindi ko naintindihan yung sinabi ni Kira pero pumayag narin akong manuod.
Katabi ko parin sila habang nanunuod. May malaking monitor na ngayon ko lang nakita, makikita don yung mga sasakyan at ang magiging takbo ng laban.
Ilang minuto lang ay nagsimula na yung laban.
"Watch that number 18 car beat them all." bulong ni Kanna na ikinakunot noo ko.
Why is she telling me that? Tiningnan ko yung may numero na 18 sa sasakyan niya. Hindi ko makita yung mukha dahil sa helmet. Mabilis yung takbo niya at pumapangalawa siya sa laban.
May ilan pang sinusubukan siyang habolin pero walang nagtatagumpay, some played dirty tricks na mukhang nagustuhan ng mga manunuod.
"That's not fair." reklamo ko na ikinalingon ni Hachi sa'kin.
"Walang rules, Chasta. If you want to kill, then you kill." sagot nito sa'kin bago tumingin uli sa monitor.
Kill? Papatay? Anong klaseng laro yan?! Tumingin ako ulit sa monitor at may iilan nang bumabangga sa kung saan dahil sa paggawa ng mga maduming laro. Nangunguna na yung 18.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...