33

175 5 0
                                        

"Nag-iiba na naman ang location niya."

"Nasa Japan."

"Korea."

"She's in New york."

"No. In Malaysia."

"Palawan."

"Ceb - - "

"BULLSHIT. ALL OF YOU GET OUT!!!" galit na sigaw ni Vash habang nakapatong ang kamay niya sa isang mahabang mesa at nakayuko.

Nasa isang silid kami na puno ng mga kung ano-anong computers, screens and etc. Control room ata to o ewan. Sinusubukan nilang e trace si Chasta.

"Raven, calm down."

"How am I supposed to calm down, Akina? She's just playing some game!" galit na singhal ni Vash at napahawak nalang sa sentido niya.

"Damn that devil." rinig kong bulong niya.

Napahawak naman ako ng mahigpit kay Chi na nasa tabi ko. Vash told me to help them and I am ready to help just to stop Chasta from doing something bad. Hindi ko na kilala ang pinsan ko. Hindi ko kayang makitang nagiging masama siya. She even named herself, Hell. And that's...that's evil!

"A-Anong nangyari?.." nagtataka kong tanong nung kumalma na si Vash.

"Pinaglalaruan tayo ng pinsan mo." napatingin ako kay Kanna na siyang sumagot sa tanong ko.

Wala dito si Kira na pinagpahinga ni Vash dahil buntis nga ito at alam na iyon nina Kanna. Hindi pa niya nakausap si Chester dahil nawawala rin ito at baka hinahanap din si Chasta.

"Anong pinaglalaruan? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko ulit dahil hindi ko naman talaga maintindihan kung bakit bigla nalang pinalayas ni Vash lahat ng tauhan nila gayong kailangan naming hanapin si Cha.

"Hinaharang niya ang system namin and she's fuckin good in doing that." si Dione na ang sumagot.

At ngayon ko lang nakitang mukhang nawawala na siya sa pagiging kalmado. Sabay sabay kaming napatingin nung may biglang tumawag. May bigla nalang lumitaw na hologram sa gitna ng mesa at nung pinindot ito ni Chi ay bumungad sa'min si Kira.

"May nakuha ba kayong impormasyon? Nahanap na ba siya?" agad na tanong ni Kira.

Sa itsura ng background niya ay mukhang nasa kanyang kwarto siya at nagpapahinga.

"She tricked us. Magaling siyang magtago." sagot ni Chi.

"Magaling naman talaga siya, we all know that. Bihasa siya sa lahat ng bagay, kaya rin siguro hindi natin nalamang kapatid niya si Fussia at Forest dahil siya rin ang pumuprotekta sa mga yon."

Napaisip ako sa sinabi ni Kira. Isa rin pala yon sa sekreto ko sakanila, hindi ko sinabing kilala ko ang dalawang yon. Pero yun kasi ang utos ni tita sa'kin.

"End the call, Kira. Kailangan mo ng magpahinga, hayaan mo na kami dito. Kami ng bahala." singit ni Kanna na sinunod naman ni Kira.

Pagkatapos non ay pumasok na ulit lahat ng tauhan nila saka nagpatuloy. Ilang ulit pa silang nagfail at lalo lang nagagalit si Vash. Hanggang sa may ilang videos na silang naungkat na kuha dati mula sa labang nasasangkutan ni Cha.

She's too good. She's....She's too clever. Ang galing niyang makipaglaban at ilang ulit na pala silang nagkabangga ni Vash. But there is one thing for sure na hindi nila napansin lahat. Yung mga titig ni Chasta kay Vash.

She love her since then, but why? How did it end up this way?

"Hell." malamig na sambit ni Vash nung sunod-sunod na magpop out sa malaking screen ang pictures kung saan may iniiwang marka si Chasta sa mga napatay niya.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon