18

146 7 0
                                    

"Urgh malapit na final!," reklamo ni Mau at inistretch ang leeg niya na mukhang namamanhid.

Ilang araw na ba ang lumipas? At sa ilang araw na yon lagi paring nawawala sina Ayako pero minsan siya lang yung wala, hindi ko nalang pinansin dahil mukhang kailangan talaga sila ng mafia nila.

Nandito kami sa library ngayon at nag-aaral dahil wala pa muna kaming activities kasi malapit na yung finals. Kasama namin sina Ayako na tulog lang naman maliban kay Dione na nagbabasa din. Wala si Kira, mukhang busy ang gaga o baka may nagiging boyfriend o girlfriend na.

"Shhh, baka makaestorbo ka ng iba Mau." saway ko sakanya at pinanlakihan siya ng mata.

Mukha pa namang seryoso yung ibang mga estudyanteng nandito at nagbabasa.

"Seriously pinsan? Wala namang mga paki sa atin yang nga yan, saka maniwala ka man o sa hindi props lang nila yan. Students here love to do shits than studying." napailing nalang ako sa naging sagot ni Mau.

"Magbasa ka na nga lang," nagkibit balikat lang siya at sinunod ang sinabi ko.

"FLYNN RIVERA!!" sabay sabay kaming napalingon sa lalaking sinigaw ang pangalan ni Flynn.

Tiningnan ko kung saan nakatingin yung lalaki at nandoon nga si Flynn na natutulog at yung dalawa niyang kaibigan na nagbabasa. Napatayo yung dalawa habang si Flynn ay pupungay-pungay pa ang matang tumingin sa lalaki bago tumayo.

"Anong kailangan mo?," kalmadong tanong ni Flynn.

"Ano pa ba? Ibalik mo yung pera ko, mandaraya ka!" sigaw na naman nung lalaki.

Nakuha pa niyang lumapit kay Flynn. Inatras naman ni Flynn ang ulo niya.

"Mas natatakot ata akong mamatay sa baho ng bunganga mo kaysa matakot sayo." lalong nainis yung lalaki sa sinabi niya.

"Gaga ka pala e!" tinulak niya si Flynn kaya napaatras ito.

Susugod na sana si Justine pero pinigilan siya ni Flynn.

"Tangina, ang ingay." sabay-sabay silang napalingon sa gawi namin.

Malamig yung boses ni Ayako na nagising dahil sa kaingayan nung kaaway ni Flynn. Nagising rin sina Kanna at Hatchi dahil don.

Pati yung ibang estudyanteng nandito nakita kong natatakot rin na napatingin sa'min. Walang gustong magsalita nung tumayo si Ayako.

"Anong problema niyan?," tanong ni Ayako kay Flynn na parang hindi man lang sila naging magkaaway dahil sa'kin.

Naglakad siya papalapit sa pwesto nila.

"Sumugod dahil hindi niya matanggap na natalo ko siya sa sarili niyang laro," parang walang pakialam na sagot ni Flynn.

Parang normal lang silang mag-usap ni Ayako kahit kapansin-pansing natatakot na yung ibang nandito para sa susunod na mangyayari.

"Bakit ka ba nakikialam?," matapang na tanong nung lalaki sa girlfriend kong ngayon ay nakatingin na ng seryoso sakanya.

"Ginising mo ang maganda kong tulog, ginoo." bakit nakakaramdam ako ng takot sakanya?

"Oh? Anong meron don?," pagmamatapang parin nung lalaki.

Nilingon ako ni Ayako.

"Ang Anghel lang ang may karapatang gambalain ako," binalik ni Ayako yung tingin niya sa lalaki.

Nakita ko ang paglunok nung lalaki. Mukhang natatakot na siya.

"Anong p-pakialam ko sainyo?! Si F-Flynn ang pinunta ko dito." pagmamatapang parin nung lalaki.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon