11

177 9 0
                                    

"Anong balak mo?" tanong sa'kin ni Mau.

Dalawang linggo na ang nakalipas at lalo akong nasasangkot sa gulo pero hindi ko parin sinasabi kay Ayako. Lagi naman akong naliligtas ni Mau o di kaya ni Mirtle pero hindi ko parin nasasabi sakanila si Mirtle.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang itanong sakanila kung sino si Mirtle, parang may kung anong nasa sarili ko na pumipigil sa'kin.

"Wala, ganon parin." napabuntong hininga si Mau dahil sa sinabi ko pero hindi narin nagsalita dahil dumating na yung teacher namin.

Busy rin sina Ayako sa loob nung dalawang linggo kaya hindi namin sila nakakasama masyado.

-

"Inaantok pa ako," reklamo ni Mau nung makarating na kami sa tambayan.

Lunch break na at naisipan naming dito nalang hintayin sina Ayako.

"Mukhang pagod na pagod kayo ha." salubong ko kina Hachi na kararating lang.

Agad namang naupo sa tabi ko si Ayako at saka umubob sa lamesa. Naramdaman ko pa yung kamay niya na pumulupot sa beywang ko bago siya bumuntong hininga.

"Anong nangyari dyan?" tanong ni Mau sa naging kilos ni Ayako.

"Siya yung leader nung isang activity namin at dahil ayaw niya makipag-usap don sa mga babaeng kagrupo niya, ginawa niyang mag-isa yung activity." paliwanag ni Hachi.

"What?" gulat kong sigaw kaya agad na ginilid ni Ayako ang mukha niya para matingnan ako kahit nakalagay parin sa mesa ang braso niya at nakapatong ron ang ulo niya.

"Gagawa lang sila ng paraan para landiin ako." parang wala lang na paliwanag niya kaya napakunot-noo ako.

Napatawa naman ng mahina sina Dione. What the hell is she talking about?! Nagtataka kong tiningnan sina Hachi.

"Habolin siya sa department namin. Araw-araw na may mga sweets sa mesa niya galing sa kung sino-sinong mga babae at lalaki." paliwanag ni Kira.

Is that so? Sinulyapan ko si Ayako, nakasimangot na siya. Why am I seeing another version of herself? She's c-cute!

"Gusto ko ng lumipat sa department mo." nagulat ako sa sinabi niya.

"No way!" agad na angal ko kaya napaupo siya ng maayos.

Kunot-noo niya akong tiningnan.

"What the hell? Stop staring at me, Ayako!" reklamo ko nung di parin niya inaalis yung tingin niya.

"Bakit ayaw mo kong lumipat?" seryosong tanong niya.

"Nababaliw ka na ba? Malapit ng matapos yung school year natin." palusot ko na lamang kahit nahihiya talaga akong lumipat siya.

Napakatanga ko pa naman sa klase dahil laging tulala, buti na nga lang at malalaki pa yung grades ko.

"Tama na yan, kumain na muna tayo." agad na singit ni Dione.

Hindi na nagsalita pa si Ayako at kumain narin. Masaya lang kaming nagkkwentohan habang piniling matulog ni Ayako.

Ilang minuto lang ay nagpaalam narin sila dahil mas una pa sa'min ang sunod na klase nila. Pinauna ko na rin si Mau sa room dahil hahanapin ko pa si Mirtle pero hindi ko na sinabi kay Mau na yun ang pakay ko. Medyo close narin kami non dahil sa pagliligtas niya sa'kin.

Sa kakahanap ko sakanya ay napadpad ako sa isang building na mukhang puro locker ang nandito at hindi na ginagamit. Abandonado na ata. Aalis na sana ako nung may marinig akong ingay sa loob kaya pinili ko nalang na e check.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon