"Hindi ka maglalaro?" tanong sa'kin ni Mau.
Nandito kami sa may bench sa open area.
"Hindi na siguro," kunot-noo niya akong tiningnan.
Soccer yung magiging activity namin at mamaya ngayon.
"May problema ba?," nag-aalalang tanong niya.
Nilingon ko siya.
"Pagod lang ako, Mau." agad na sagot ko.
"Umabsent ka nalang kaya muna?"
"Gusto kong manuod kay Ayako," wala na siyang nagawa dahil alam naman na niyang di niya mababago yung isip ko.
Ilang minuto lang yung lumipas naglakad na kami ni Mau papunta sa field kung saan magaganap yung activity. Humanap kami kaagad ng mauupuan na nasa harapan para mas makita namin yung laro.
"Galingan niyo," agad na salubong ni Mau kina Hachi nung lumapit ito sa'min.
Si Kira at Kanna lang yung kasama niya dahil kausap ni Ayako at Dione yung prof namin na nasa may bench ng team nila.
"Anong magiging kapalit?," may ngising tanong ni Hachi kay Mau at medyo naglean pa para mapalapit sa mukha ni Mau.
Ngumiti si Mau.
"A kiss will do, Chi." lalong lumawak yung ngisi ni Hachi at tumango-tango bago umayos ng tayo.
"Okay then, we will surely win the game for you My Lady," napailing nalang si Mau sa naging sagot ng girlfriend niya.
"Mukhang badtrip ka ha," natingin ako kay Kanna dahil sa sinabi niya at kinunotan ko siya ng noo.
"Kilala mo ang magiging kalaban namin?," tanong ni Kira na ikinataka ko.
"Bakit?,"
"So innocent, Chasta." may pang-aasar pang sabi ni Kanna kaya inirapan ko siya.
"Chill, masyado kang seryoso gaga!" natatawang sabi niya.
"Ano ba kasi yon? Bakit di mo nalang sabihin," nakasimangot kong sabi.
"Your very own secret lover and that bitch, Mirtle." agad na napataas ang kilay ko sa naging sagot ni Kira.
Tiningnan ko silang dalawa ni Kanna ng masama.
"What? We're not joking here, Chasta," si Kanna.
Napabuntong hininga ako. Bakit nagsama pa yung dalawang yon.
"Anong ginawa niyo?," sabay kaming napatingin sa nagsalita.
"Easy Vash, we didn't do anything but we told her something," nakangising sagot ni Kanna bago lumapit sa girlfriend nito at nakipaglandian.
Agad namang naglakad si Kira papunta sa bench ng team nila at hinayaang lumapit si Ayako sa'kin.
"What did they tell you?," kunot-noong tanong ni Ayako at tumabi pa sa tabi ko.
Medyo marami naring manunuod ang nandito kaya medyo naiilang ako sa iilang mga nakatingin.
"Wala naman, bakit? May dapat ba akong malaman?,"
"What?"
Napailing ako at ngumiti sakanya.
"I trust you, galingan niyo. Win the game," nakatitig sa mata niyang sabi ko.
Ngumiti siya ng tipid at hinalikan ang noo ko.
"Your wish is my command, Angel." bulong niya bago tumayo at naglakad kasama sina Dione papunta sa bench ng team nila.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...