"How is she?" napatingin ako agad sa kakapasok lang na tatlong babae.
Nasa clinic kami dahil dito ako agad dinala nina Ayako.
"What the hell are you doing here?," malamig na tanong sakanila ni Ayako.
Napatayo pa ito kaya hinawakan siya agad nina Kira at Hachi. Habang si Mau naman ay nakatayo narin sa gilid ng hinihigaan ko.
Umupo ako para makita sila ng maayos.
"Easy Vash..nangungumusta lang kami," si Phene.
Sinulyapan pa niya ako at ngumiti.
"Hindi namin kayo kailangan dito," si Mau.
"Ano ba yan, N. Pati pinsan ng babaeng gusto mo hindi boto sayo.." pang-aasar pa ni Justine sa kaibigan niya.
Tiningnan lang siya ng masama ni Ayako at Flynn.
"Hindi kayo ang pinunta ko dito," malamig na sambit ni Flynn at agad na tumingin sa'kin.
Hawak parin nina Kira at Hachi si Ayako na nakakuyom na ang kamao.
"Are you crazy? Umalis kana." galit na sabi ko sakanya.
"Damn, she's special.." komento ni Phene na mukhang nagustuhan pa ang pagmamatapang ko.
"Shut up," si Ayako.
"Bakit ba kayo nanggugulo? Umalis na kayo, " pagtataboy ni Mau sakanila.
Pansing kong may gusto pa sana sabihin si Flynn pero ngumisi nalang ito
"Easy...ito na aalis na. See you around, Angel.." paalam niya bago umalis kasama ang mga kaibigan niya.
"Damn that bitch."
"Ayako..." tawag ko sakanya para kumalma na siya.
"Uubusin ko ang pamilya niya kapag sinubukan niyang galawin ka,"
"Hey, don't you trust me?" tanong ko na ikinatingin niya sa'kin.
Agad ring nagpaalam na umalis sina Hachi kaya naiwan kaming dalawa.
"Of course I trust you, I just don't trust that bitch." may diing sagot ni Ayako na lumapit na sa tabi ko.
Hinawakan ko yung kamay niya at nginitian siya ng tipid.
-
"Maureeeen!" tawag ko kay Mau habang hinahabol siya sa hallway..
Linggo na at hindi naman kami busy kaya napag-isipan kong tumambay sa dorm nina Mau dahil umalis na naman sina Ayako.
"May titingnan lang ako, pinsan!" sigaw niya pabalik habang pilit paring tumatakbo para ilayo sa'kin ang cellphone ko.
Makikitingin daw siya ng gallery ko, sinabi ko ng wala namang masyadong laman yon pero ayaw niya maniwala.
"Hoy ano ba! Pinsan akin na yan!" sigaw ko parin habang hinahabol siya.
Ang kulit ng babaeng to! Malayo na siya sa'kin nung huminto siya at may kung ano-anong tiningnan sa cellphone ko. Mabilis akong tumakbo para makalapit sakanya pero mukhang may mga natingnan na siya dahil nakangiti na ito.
"WAAAAAAAAAH! PINSAN BAKIT GANITO KAYO?!" sigaw niya at agad na tumakbo palapit sa'kin, nagtatalon agad siya nung nasa malapit na siya at nakuha pa akong yakapin.
"Bitawan mo nga ako Mau! Akin na yang cellphone ko," pagsusungit ko at agad na binawi ang cellphone ko.
Agad naman niya akong sinundot-sundot nung makuha ko na yung cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...