30

151 3 0
                                    

"Mirtle." may diing usal ko nung makaharap ko na si Mirtle.

Dinala ako ni Ayako sa hideout ng mafia nila. Hinarap niya sa'kin si Mirtle na mukhang nababaliw na. Ako yung naaawa kay Mirtle dahil sa nangyayari sakanya.

"Cha? Cha s-sorry...." nakayuko nitong usal.

Lalapit sana ako sa may rehas nung pigilan ako ni Ayako. Biglang tumawa si Mirtle na ikinagulat ko. Parang demonyo.

"Bakit hindi ka pa namatay ha?! Papatayin kita!" sigaw nito at pilit akong inaabot kaya napaatras ako.

S-She's scary! Hindi ko aakalaing dadating siya sa puntong to.

"Let's go." bulong sa'kin ni Ayako pero hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sakanya.

Wala siyang nagawa kundi manahimik at hayaan akong pagmasdan si Mirtle na umiiyak na naman.

"Nakakabaliw. Talaga nga namang nakakabaliw ang pagmamahal. Nagmahal lang siya pero sa maling oras at panahon." bulong ko na ikinalingon sa'kin ni Ayako.

"BABALIKAN KITA! HAYOP KA!" sigaw na naman ni Mirtle.

Tumulo nalang bigla yung luha ko sa nakikita ko. Naging malupit sakanya ang panahon. Nagmahal lang naman siya pero bakit pinapahirapan pa siya.

"Angel." tawag sa'kin ni Ayako.

Nilingon ko siya at nginitian ng tipid.

"Tara?" aya ko dahil hindi ko na kaya pang makatagal sa harap ni Mirtle.

She was so innocent. She was so perfect but I guess we can't really tell what will happened in the future. Magkahawak kamay kaming naglakad palabas ni Ayako sa kung saan nakakulong si Mirtle.

"Chasta." bati sa'kin ng pamilyar na taong nasa harapan ko.

Pinaningkitan ko siya ng mata. May tatlo siyang kasama at pamilyar din sa'kin ang mga yon.

"Staring is rude, Miss." saway naman nung isang lalaki.

"Mukhang hindi mo kami namumukhaan." singit nung isa pa.

Kinunotan ko lang sila ng noo. Nagiging ulyanin na ata ako.

"Ryan and his company. Sila yung tatlong lalaking binugbog ko sa bar, Angel." paliwanag sa'kin ni Ayako na ikinagulat ko.

Oo nga! Naalala ko na!

Si Ryan ay yung lalaking nagbalak akong e date at yung tatlo, kung hindi ako nagkakamali ay isa sakanila si Thad at sila yung inaya ako sa table nila nung nasa bar kami ni Ayako.

"Nice to see you again." nakangiting pahayag ni Ryan bago kami lagpasan.

Sumunod rin kaagad sakanya yung tatlong kasama niya. Sinundan ko lang sila ng tingin. Why are they here?

"Yes, Angel. Under sila ng mafia namin." inunahan na ako ni Ayako.

Mukhang alam niyang itatanong ko ang tungkol doon. Ngumiti nalang ako at tumango. Hinila niya narin ako agad at pumasok kami sa isang silid. Doon ay gulat kaming hinarap ng isang taong kilalang-kilala ko.

"Wayne." banggit ko sa pangalan niya.

Yung bartender at mukhang under din siya sa mafia nina Ayako.

"C-Chasta." tanging sagot niya at bumaling kay Ayako.

"I will leave her here. Haharapin ko lang ang demonyong kapatid ko." kaagad na bilin ni Ayako.

"W-What?" gulat na tanong ni Wayne at di makapaniwalang dinala ako ni Ayako sa lungga nila.

Nginitian ko siya ng tipid.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon