19

133 6 0
                                    

"Miss Monteverde," napatingin ako sa prof namin nang tawagin niya ako.

"Nasaan si Vash Heckler?," tanong niya na ikinalingon sa'kin nina Mau at ng iba naming mga kaklase.

Oo nga pala, absent siya ngayon dahil may gagawin daw siya. Tinanong ko sina Hachi pero hindi rin nila alam.

"Miss Monteverde, I am asking you. Is there something wrong?," napakurap ako ng ilang beses.

"H-Hindi ko po alam kung nasaan siya," tinitigan pa ako nung prof bago nagsimulang magdiscuss.

Mukhang di siya naniniwalang hindi ko alam.

"Okay ka lang ba?," bulong sa'kin ni Mau.

Tumango lang ako habang nakatingin sa harap. Tatlong araw na yung lumipas at lagi nalang wala si Ayako. Hindi rin naman alam nina Hachi kung bakit. Kapag umuuwi siya, minsan tulog na ako dahil sa kakaantay sakanya.

Hindi ko alam kung may koneksyon iyon sa biglang pagtigil ng mga nangyayari sa'min na alam kong kagagawan ng pamilya ko para ilayo ako sakanya.

-

"Chasta, kanina ka pa tulala." napatingin ako kay Kira.

Naglalakad na pala kami papuntang Cafeteria.

"May problema ka ba?," si Kanna.

Nginitian ko sila ng tipid.

"May iniisip lang,"

"Sabihin mo miss mo lang girlfriend mo," pang-aasar ni Mau.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Kung nakakamatay lang ang tingin baka nawalan na ako ng girlfriend, Cha." natatawang sabi ni Hachi na ikinairap ko.

Inakbayan niya si Mau kaya iniwas ko nalang yung tingin ko. Balak pa akong inggitin.

"Pano ba yan? Single tayo ngayon, samahan mo ko?" napatingin ako kay Kira nung akbayan niya ako.

"What? Let's just have some fun," nakangiti niyang sabi.

Tiningnan ko sina Hachi na nakatingin na sa'min.

"Mauna na kayo," aangal pa sana si Mau pero hinila na ako paalis ni Kira.

"Are we going to cut classes?" huminto si Kira at hinarap ako.

"What do you think?," nakangisi niyang tanong.

Bigla akong kinabahan pero nawala rin ito nung hinila na naman niya ako.

-

"Wh-What the h..hell?," tanging naiusal ko nung dalhin niya ako sa isang grahe na punong puno ng magagarang sasakyan.

"You choose, young lady." nakangiting sabi sakin ni Kira kaya napatitig ako sakanya.

"Ka...Kaninong mga sasakyan to?,"

"Kitagawa Mafia," sagot niya.

Saka lang nagsink in sa utak ko na nandito kami sa pugad ng Mafia nila. Hindi ko alam bakit wala akong nakikitang mga nakamaskara sa mga dinaanan namin pero siguro dahil narin Kitagawa si Kira kaya hindi na sila nakialam.

Mukhang may lungga nga sila dito sa Pandemonium.

"Stop spacing out, sakay na. Ako na yung pumili," napailing nalang ako nung tinawag na niya ako dahil nasa driver seat na siya ng isang race car.

"Why are you doing this?," tanong ko sakanya nung makasakay na ako at naayos ko na yung seat belt ko.

"You need this," nagtataka ko siyang tiningnan pero napakapit rin ako ng mahigpit sa seat belt nung magmaneho siya ng sobrang bilis.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon