12

204 11 0
                                    

"Leave her alone." kitang-kita ko ang pamumutla ng mga babaeng nasa harapan ko.

"V-Vash..." mahina nilang bulong bago nagtakbuhan paalis.

Napailing nalang ako. Limang araw na yung nakalipas at pumasok na uli ako.

"Kung hindi nagsumbong si Mau, will you tell me about this?" sinalubong ko yung mga tingin niya.

Alam na ni Ayako lahat ng mga gulong nasasangkutan ko nung mga araw na inalis niya yung rule.

"Ayaw lang kitang mag-alala,"

"Damn, Angel. I am always worried about you! Yes, I was so busy these past few these but damn, hindi mo alam kung paano ko pinipilit ikalma ang sarili kong wag kang sundan oras-oras para lang malamang walang nagtatangka sa buhay mo," napatigil ako sa sinabi niya.

"Did you just...say you...what the hell are you.." I couldn't even form a sentance.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi niya. Am I being so selfish? Mali bang hindi ko sinabi sakanya yung mga gulong nasangkutan ko dahil sa ayaw ko lang siyang mag-alala?

"Yes, I really want to make you safe. But your cousin told me to trust you tapos malalaman kong ilang ulit ka na palang binabangga ng mga estudyante dito?! That's bullshit!" I hugged her.

Naramdaman ko naman ang pagkalma niya dahil sa ginawa ko. Am I getting so attached to her?

"I'm sorry," napabuntong hininga siya sa sinabi ko.

"Ihahatid na kita," wala na akong nagawa at hinayaan nalang siyang hawakan ang kamay ko at hilahin ako papunta sa klase ko.

Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sakanya. Hindi ko alam kung may balak pa ba akong umahon sa malalim na banging nahulogan ko. Ang hirap.

Alam kong mali to, pero nung nga panahong umiyak ako para makiusap sakanyang wag nalang siyang umalis sa buhay ko. Alam ko, alam kong sa mga oras na yon, tuluyan ko nang hinayaan ang sarili kong papasokin siya sa buhay ko.

"Hey, you're spacing out again. Nandito na tayo. Wag mo kalimutang bukas na tayo pupunta ng Pandemonium." nabalik ako sa realidad dahil sa mga sinasabi niya.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan yon. Tumango lang ako at ngumiti ng tipid pagkatapos niyang magpaalam at halikan ako sa noo.

Nagkausap narin pala kami tungkol sa nalaman ko sa pamilya ko. She decided to tell me everything she knew. Mula sa pagiging mafia ng pamilya ko at ang pagiging crown prince ni Chester.

Si Chester, na siya palang magmamana ng Derv Mafia. Sinabi niya rin sa'kin na hindi naman magkalaban ang pamilya naming dalawa sa mafia world.

Wala na din akong balita kay Mirtle since kababalik ko lang at hindi ko parin nasasabi ang tungkol sakanya kina Ayako.

-

"Cha! N..Nandito ka l..lang p-pala," hingal na hingal na salubong sa'kin ni Mau.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi kami sabay na lumabas kanina dahil nauna kong taposin yung isang activity at dumiretso ako dito sa garden. Dismissal narin at nakakapagtaka ang itsura ngayon ni Mau.

"Saan ka galing? Bakit pawis na pawis ka?" nagugulohan kong tanong sakanya.

Ang bilis parin nang paghinga niya habang nakahawak sa tuhod niya ang mga kamay niya. Nagmumukha siyang nakipaghabulan.

"Napakaoutdated mo talagang gaga ka!" napakunot-noo ako sakanya.

Nakapameywang na siya.

"Hindi kita maintindihan Mau," reklamo ko na ikinakamot niya sa ulo niya.

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon