"Sa wakas tapos na rin yung midterm exam!"
Pati ako ay napangiti na rin sa sinabing yon ni Mau. Nandito kami sa tambayan ngayon para magpahinga. Ilang buwan naba ang nakalipas? Basta natapos yung midterm exam na hindi ko parin alam kung nasaan si Ayako. Minsan nakakasama ko siya dahil iniimbita nila kami ni Mau sa dorm nila pero tahimik lang lagi si Ayako.
Pero ilang linggo rin siyang nawala at bumalik lang para sumama sa'ming mag review ng isang araw tapos hindi na siya nagpakita pa, I tried to ask Hachi pero wala din daw silang alam. Ganon naman daw lagi yon, nawawala at lumilitaw. Hindi ko din alam kung nakapagtake na siya ng exam.
Isang linggo naring di nakapag-usap si Mau at Hachi dahil pati sila nawala nitong mga nakaraan bago magsimula ang exam. Nagpaalam kasi siyang may gagawin lang sila na tungkol sa gangster thingy nila. Alam din pala ni Mau ang tungkol sa pagiging gangster nila.
"Uwi na tayo nang makapagpahinga na." pag-aaya ko na hindi na inangalan pa ni Mau.
Dumiretso na kami ni Mau sa dorm at kumain saka nagpahinga. Madalim na nung maalimpungotan ako at bumangon para uminom ng tubig.
Narinig kong may kumakatok kaya nagtataka akong lumapit sa pintuan. Kinakabahan man ay binuksan ko parin yung pintuan, pakiramdam ko kasi kailangan ko talagang buksan yon.
"A-Ayako? Teka anong nagyari sayo?!" gulat na sigaw ko nung makita siyang duguan.
Natumba siya agad pagkabukas ko ng pintuan, buti nalang at nasalo ko siya. Dahan-dahan ko siyang inalalayan papunta sa sofa at pinahiga. Nilinisan at ginamot ko y narin yung mga sugat niya.
Bukas na bukas kailangan niyang pumunta ng hospital dahil malalim ang hiwa sa tagiliran niya. Ano ba kasing nangyari sakanya?
"C..Chasta?.. " hinawakan ko agad yung kamay niya.
Nagsimula na akong kabahan lalo.
"Cha? I'm sorry for disturbing y-you....I'm just here to see you, I m-miss you...I d-didn't kill." nakapikit na sabi niya.
Nanghihina siya. Napapikit nalang ako at kusang tumulo yung mga luha ko. Umupo ako sa sahig at nilevel ang ulo ko sa ulo niya.
"You're crying. Stop it." mahina pero seryoso niyang sabi.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at pinahiran ang luha ko. Mas lalo lang akong napaiyak habang pilit na pinipigilang lumakas ang hikbi par hindi magising si Mauren na nasa kwarto niya.
"Ang daya mo Ayako..Ang daya daya mo naman e, I hate you. I hate you." mahinang panunumbat ko sakanya.
Umiyak lang ako nang umiyak habang humihigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"W-Wag mo kong iwan please.." mahinang bulong ko habang umiiyak.
"Shhhh, I'm here."
-
"Cha? Cha, gising" nagising ako dahil sa taong yumogyog sa'kin.
Pagkamulat ko, agad hinanap ng mga mata ko ang taong nakahiga sa sofa kagabi.
"Bakit dito ka natulog? Nagsleep walk ka ba?" kunot-noo ko siyang tiningnan.
Hindi niya nakita si Ayako dito?
"Si Ayako?" nagtataka niya akong tiningnan.
"Namimiss mo na ano? Kunware ka pa pinsan ah, namimiss mo naman pala e." pang-aasar niya pero di ko nalang pinansin at tumayo na para maligo.
"Saan ang punta mo? May isang linggo pa tayong walang pasok Cha. Wag kang excited." saway sa'kin ni Mau nang lumabas ako ng kwarto na bihis na bihis.
![](https://img.wattpad.com/cover/160356437-288-k745466.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...