"Hanggang kailan mo ko lolokohin? Hanggang kailan mo ko sasaktan ng ganito?" malamig niyang tanong sa'kin at tinapon sa harapan ko ang diary na naiwan ko sa dorm nung umalis ako para sunduin si Nanay.
Nandoon lahat ng mga nangyari sa buhay ko bago ako mawalan ng memorya at bago ko sila iligtas ng pamilya niya. Ibig sabihin nabasa niya lahat ng iyon.
"A-Ayako..." mahinang saad ko.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya lahat. Tinext niya akong magkita kami dito sa rooftop pero hindi ko alam na alam na niya lahat. Na kilala na niya ako.
"What? Fuck, Chasta. Ikaw si Hell! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko. How am I supposed to act huh?!" galit niyang sigaw sa'kin.
Umiiyak lang akong umiling-iling sa harapan niya. Hindi niya nakita ang bumaril sa batang yon. Akala niya ay ako ang pumatay sa batang pinilit kong iligtas kay mommy.
"BAKIT AYAW MONG MAGSALITA?! CHASTA ANO BA NAMAN TO!"
Hindi ko napigilang humagulgol nung ikalawang beses niya akong tawagin sa pangalan ko. Nasanay akong tawagin niya akong Angel pero hindi. Hindi ako karapat dapat sa pangalang iyon dahil ang tunay na ako ay ang kabaliktaran non.
I am a Devil.
"K-Ko, sorry...Hindi mo kasi naintindihan e.. "
"Hindi? Pano mo nasisikmurang magsinungaling?! Damn it! Buong pagsasama natin ay nagsinungaling ka! Galit na galit ako sayo Chasta! Bakit ikaw?! Bakit ikaw pa?!Nagalit ka pa sa'kin dahil mafia ako?! Ang galing mo. Ang galing mong umarte. Napakatuso mo, Hell."
Napaluhod ako dahil sa mga narinig ko habang sunod-sunod ng bumagsak ang mga luha ko. Ayaw tumigil, gusto kong sumabog dahil sa sakit. Bakit kami humantong sa ganito? Simpleng buhay lang naman yung gusto ko e pero bakit. Bakit nila ako ginawang halimaw.
"I'm sorry. I'm sorry kung natagalan akong sabihin sayo lahat..."
"Tangina lang." puno ng pagpipigil niyang saad.
"Ayako please. Please hayaan mo kong magpa- -"
"Let's break up."
Fuck. Just fuck. H-Hindi ko alam kong paano pa siyang pigilan sa gusto niya. Sana hindi ko nalang naalala lahat. Sana masaya pa kami. Tangina. Ang selfish mo Cha.
Tiningnan ko siya sa mga mata niya pero blangko iyon. Napayuko ako at tahimik na hinayaan ang sarili kong umiyak ng umiyak. Hindi ko na siya pinigilan nung maglakad siya paalis. Hindi ko alam na ganito parin pala kasakit. Hindi ko parin kaya yung sakit na naramdaman ko dati nung una kaming maghiwalay.
Hindi ko na alam kung paano pa maaayos ang lahat ng to. Napakalaki ng gulong iniwan ko.
-
"Chasta?! A-Anong nangyari s-sayo?" salubong sa'kin ni mommy pagkauwi ko.
Hindi na naman ako pumasok dahil hindi ko kayang humarap kay Mauren ng ganito ako kahina. Masama ko siyang tiningnan na ikinataka niya pero kinalma ko rin agad ang sarili ko.
Ito yung gusto mo diba? Ang maging halimaw ako? Pagbibigayan kita, mom.
"I want my position back." malamig kong utos sakanya at hindi pinansin ang nag-aalalang niyang tingin sa'kin.
Alam ko namang halatang galing ako sa kaiiyak pero ano bang pakialam niya? She only cares about power. About money.
"P-Position?...A-Ash?!" gulat na gulat niyang tanong na narinig ni daddy.
Ngumisi ako.
"Ako nga. Parang gulat na gulat ka naman ma." napaatras siya sa naging sagot ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...