"Mau, sino si Vash?"
"Huh? Bakit?" halatang kabado siya.
"Narinig kong pinag-usapan ng mga estudyante kung bakit wala pa daw siya."
"Don't mind it. May quizzes pa tayo, Cha." pag-iiba niya ng usapan kaya hindi narin ako umangal pa.
Wala rin naman ata siyang planong sabihin. Hahanapin ko nalang si Ayako mamaya. Maybe she will answer it. Mukha namang may alam yon dito.
Isang linggo na yung nakalipas at normal parin naman ang nangyayari sa lahat ng araw ko pero hindi parin nawawala yung kakaibang nararamdaman ko. May iilang araw parin na nililigtas kami nina Hachi dahil sa pangungulit sa'kin ng ilang lalaki. Wala paring alam sina Ate at Chester sa mga nangyayari.
Nakakausap ko parin minsan si Ayako, sumusulpot ito pagmag-isa lang ako sa kahit saang lugar kaya hindi lang sa may bakuran kami nakakapagkita.
"San ka pupunta?" tanong sa'kin ni Mau pagkalabas namin ng room.
Dismissal na kasi.
"May dadaanan lang ako, mauna ka ng umuwi." hindi ko na hinintay na sumagot pa siya at agad nang umalis para hindi na niya ako masundan pa.
Dumiretso ako agad papunta sa bakuran sa likod ng academy. Pagkarating ko doon tahimik lang. Umupo ako sa bench dahil hindi ko naman alam kung saan makikita si Aya - - -
"Anong ginagawa mo dito?" napangiti ako dahil sa narinig at saka siya nilingon.
Sabi ko na nga ba lilitaw siya kapag ako lang mag-isa.
"Gusto kitang makausap." napakunot-noo siya dahil sa sinabi ko at agad na naupo sa tabi ko.
Sumandal pa siya sa may sandalan at diretso lang ang tingin sa malawak na lupaing nasa harapan namin.
"Bakit?"
"Bakit di mo pa sinasabi sa'kin kung paano ko babayaran yung atraso ko sayo?" nakita kong napangisi siya dahil sa tanong ko.
"Wala pa akong maisip. Ayaw mo ba non? May dahilan ka para makita pa ako ulit." pilyong sabi niya sa'kin saka ako nilingon ng nakangisi.
"Asa ka namang gusto kitang laging nakikita." inirapan ko siya kaya lalo siyang napangisi.
Pinagkrus ko yung braso ko at tinaasan siya ng kilay.
"Anong mukha yan?"
"May tanong pa ako." napatawa siya nang mahina dahil sa inasta ko.
"Sige lang."
"Sino si Vash?" napansin kong nawala yung pilyong ngiti niya dahil sa tanong ko. Ano bang meron sa taong yon?
"Bakit gusto mo siyang makilala?" seryosong tanong niya habang nakatingin na ulit sa harapan.
"Pinag-uusapan kasi siya ng mga estudyante. Ayaw naman akong sagotin ni Mauren kaya naisip kong sayo nalang magtanong, mukhang taga-dito ka naman." napatingin siya sa'kin dahil sa sinagot ko.
"Tingin mo sasagotin rin kita?" tinitigan niya ako sa mga mata ko kaya tinitigan ko rin siya pabalik.
"Bakit? Hindi mo rin ba sasagotin?" umiwas siya ng tingin dahil sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden (Book One)
ActionChasta Lyle Monteverde. An innocent straight girl that life went messed up because of her family. She is an Angel. An Angel that everyone is afraid of. She was protected by a devil. A devil that she tamed. Their love is not just a normal battle b...