Epilogue

430 5 0
                                    

"Condolences,"

"I'm sorry for your loss,"

"She will always be in my heart,"

Hindi ko na mapigilan yung luha ko kaya umalis muna ako kung nasaan ibinurol ang kapatid ko. Dumiretso ako sa cr at don umiyak ng umiyak bago nag-ayos ng sarili ko.

It's been 2 days simula nung mawala siya at sobrang sakit. Sobrang miss na miss ko na siya. Yung tawa niya, yung yakap niya, yung boses niya.

"Ihja, magpahinga ka muna." tiningnan ko ang isa sa tito namin na nakita pala akong umiiyak dito sa cr.

Umiling ako.

"Ayokong mawala siya paningin ko." sagot ko na lamang at naglakad na para bantayan na naman siya.

Agad kong pinunasan ang mga luha kong kanina pa tumutulo. Punyetang palabas naman yan e!

"Cry baby," pang-aasar nitong katabi ko.

Inirapan ko siya.

"Shut up, Aiza." pagtataray ko pero tinawanan niya lang.

May movie marathon kami sa klase namin at gagawan namin ito ng reaction paper after watching. Nasa ibang school parin ako since lumipat nga ako the last time na magkagalit pa kami nina Ayako.

And Aiza became my one and only friend since siya lang ay may makapal ang mukhang lumapit sa'kin kahit pilit ko siyang iniiwasan.

-

"Bitch! Akin na yan!" sigaw ko sakanya habang nasa hallway kami at pilit siyang hinahabol.

Kinuha niya ang reaction paper ko dahil kokopya daw muna siya ng mga ideas at siya na daw ang magpapasa nung gawa ko.

"Konti lang naman, Lyle!"

"Kapag talaga naabotan kita kakalbohin kitang bruha ka!"

"Oh com'on magaling akong runner, you know that!"

"Bruha!!" sigaw ko at binilisan pa yung takbo pero mas bumilis siya at medyo malayo na.

"Your wasting your energy again, Angel." napatigil ako dahil sa taong bigla nalang humarang sa harap ko.

Muntik pa akong masubsob sakanya dahil ang lapit namin masyado.

"Gad Ayako! Bakit bigla bigla kang sumusulpot love!" sigaw ko sakanya na ikinangiti niya.

Magsasalita pa sana ako nung nakawan niya ako ng mabilis na halik, napanguso nalang ako.

"Magnanakaw." saad ko at saka ko pinagkrus ang dalawang braso ko.

Napailing siya at hinila na ako papunta sa kotse niya. Mukhang ililibre na naman ako.

Limang buwan na ang nakalipas at okay na ang lahat, medyo halata na yung tiyan ni Kira pero pumasok parin siya at syempre alagang-alaga siya ni Chester. Si mommy naman ay hawak parin nina Ayako kasama si dad, tinutulungan ni dad na maging okay na si mommy dahil nababaliw na nga ito. Dinadalaw naman namin siya nina Ate minsan. At si Ruka? She's 5 months comma, hindi namin alam kung kailan siya - - -

"She's conscious." agad na sabi ni Ayako nung makasakay na kami sa sasakyan niya.

Gulat ko siyang nilingon.

"Are we going to visit her?," masayang tanong ko sakanya.

Ngumiti siya at tumango. Sa wakas! Sa wakas gising na siya!

"I'm sure she's happy to see you again," nakangiting sabi sa'kin ni Ayako.

"I badly want to talk to her!"

Forbidden (Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon