"Anak ng! Sino bang matinong tao ang kakatok ng ganitong oras" naiinis kong sabi habang binuksan ang pinto ng kwarto ko.
"Wifey *hik*" nagulat pa ako ng makita ko si Zion na lasing.
"Anong ginagawa mo dito? Duon ang kwarto mo! Halika aalalayan kita" hahawakan ko na sana sya ngunit tinulak nya ako papasok at nahiga sya sa kama ko.
"Buset kang lalaki ka! Sinira mo ang tulog ko dahil dyan gagahasain kita!!! Bwahahaha" sabi ko at sinimulang hubadan sya pero joke lang yun bibihisan ko lang sya para presko.
Napatitig ako sa mukha nya, napaka gwapong lalaki pero napakasungit naman. Napaka yamang tao pero napakalungkot naman. Wala talagang perpekto sa mundo.
"Ano bang meron sayo? bakit ba ang lungkot-lungkot ng mga mata mo?" sabi ko habang hinahawakan ng hintuturo ang kilay at pilikmata nya.
Nagulat na lang ako ng bigla nya akong kabigin papalapit sa kanya at hinalikan ako. Nagpupumiglas ako ngunit ayaw nya akong bitawan, hanggang sa maging malumanay ang kanyang halik at hindi ko napansin na napatugon na ako sa kanya. Ang halik ay lumalim ng lumalim hanggang sa pumaibabaw sya sa akin, gumapang ang halik nya sa pisngi, sa tenga hanggang sa leeg. Nang nasa leeg ko na sya ay biglang yumugyog ang kanyang balikat.
"Heaven, ano bang nagawa ko? Bakit mo ako ginaganito?" umiiyak nyang sabi sa balikat ko. At duon ako natauhan sa mga nangyari. Mali! Mali lahat ng ito.
"Minahal kita ng buo! Binigay ko sayo lahat pero bakit parang kulang pa sayo? Bakit mo ako--" Pahina ng pahina ang sinabi nya hanggang sa makatulog sya sa balikat ko. Ano ba talagang nangyari?
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Kailangan kong malaman kung anong gulo itong napasok ko.
"Hello Ate?" sagot ng tinawagan ko.
"Heaven ano ba talagang nangyayari?!!" agad na sabi ko sa kanya.
"Im sorry Ate Neveah" then pinatayan nya ako.
What the hell is happening???????
BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.