Nevaeh Pov*
"K-kuya Hanz?" sabi ni Mia na maiiyak pa ata.
"B-baby N-no" sabi ni Hanz sa kanya habang papalapit pa rito na agad ko namang hinarangan. Kwento nain ito ah! Bakit sila sisingit boiset naman ah.
Masama ang tingin ko ngayo kay Hanz dahil all this time ay parang pinaglalaruan nya ako.
"Anong No? Ikaw na bayot kaaa panagutan mo ang kakambal ko!" galit na galit na sabi ko. Wala syang karapatan na itanggi ang pamangkin ko. Kailangan nyang panagutan iyon.
"B-baby Let me explain" sabi nya pa rin kay Mia na binalewala lang ang sinabi ko.
"Huhuhuhu" rinig kong iyak ni Mia sa likod ko.
May parte sa aking natutuwa dahil sa nalaman ko pero lamang ang pag aalala sa dalawang ito na may magulong storya ata at kami pa ang ginugulo. Tumingin naman ako Kay Heaven nanlalaki ang mata ngunit makikita mo ang sakit roon.
"Heaven" tawag ko rito na kinatingin naman nya, na sana pala ay hindi na lang nangyari.
Ang galit at selos sa mga mata nya kanina ay lalong nadagdagan sa mga nangyari. Ano ba talaga ang dapat kong gawin? Saan ba dapat ako lulugar?.
"Wow! gandang palabas naman nito? Ano ako dito etchapwera??" sabi ng bano. Oo nga ano ba ito sa amin lagi na lang sumisingit.
"Oo epal ka lang dito bakit ka ba nandito huh?" inis ko ng sabi sa kanya.
"Ang sama mo naman sa akin mylabs ehh" pumapadyak padyak pang sabi nya. Ano sya bata?
"Para kang bata! umuwi ka nga sa inyo hindi ka kasali sa amin" pag papauwi ko rito dahil wala naman syang ambag sa amin.
"Tshhh edi uuwi! Hindi naman ako kontrabida na akala nyo. Nagmahal lang talaga sa sayo mylabs" kikiligin na sana ako kaso nga bano ito.
Sinundan ko naman sya palabas ng pinto kaya nakita ko sila Mia at Hanz na nagtititigan. Bahala sila sa problema nila! ang problema ko ngayon ay kapatid ko.
"Wife" biglang sabi ni Zion sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Nakita ko syang lalapit sa akin, ngingiti na sana ako para salubungin sya ng yakap ngunit may humila sa buhok ko para bumagsak ako sa sahig.
"A-aray" sabi ko ng masama ang bagsak ko sa sahig lalo namang sumakit ng daganan ako ng tao na ito sa tiyan ko.
"Ahas ka ate" si Heaven. Ganun na ba talaga ang tingin nya sa akin. Isang ahas? Isang kaaway.
"Ano ba heaven tigilan mo na ito" awat ko pa sa kanya habang pinipigilan ang braso nya.
Hindi ko sya mapigilan dahil kanina pa ako nanghihina. Kanina pa ako nahihilo sa mga nangyayari.
"Gusto kitang saktan Ate! Gustong-gusto!!" galit ns galit na sabi nya sa akin hindi ko alam kung bakit hindi pa kami naawat ni Zion.
Hinayaan ko na lang na saktan ako ni Heaven. Sampalin at Sabunutan ayos lang sa akin kung iyon ang makakapagpasaya sa kanya. Ngunit hindi ko na ata kaya ng sumakit ang puson ko kaya tinulak ko sya at ako naman ang dumagan.
"Tama na Heaven!" sigaw ko sa kanya at binigyan sya ng malakas na sampal ngunit laking gulat ko ng umangat ako sa katawan ni Heaven at naitulak pa ako papalayo rito.
Bumagsak na naman ako sa sahig dahil sa pag tulak na iyon.
"A-aray" sabi ko habang tinitingnan ang tumulak na halos ikaiyak ko sa nalaman.
"Bakit mo ako tinulak?" naiiyak kong sabi sa kanya. Sa lahat ng tao bakit sya pa?
"Buntis sya Neveah, wala kang karapatan na saktan sya baka mapano ang bata!!" sigaw sa akin ni Zion napatulala ako dahil sinigawan nya ako. Mahal nya ba si Heaven??
Tumayo ako at nakipag titigan sa kanya. Tsaka ngumisi ng mapait.
"Paano naman ako?" yun agad ang sinabi ko sa kanya habang nakatingin sa mata nya.
Naramdaman ko namang ang pag agos ng likido sa Hita ko. Im sorry anak hindi ata kita maisasalba.
"Maam dinudugo ka!!" sigaw ni Mia.
"Im so thankful for loving you in this fucking lies Zion" sabi ko bago nagdilim ang paningin ko.
He love my sister.
Author's Note
Last 2 chapters na lang mga Ghorl then Epilogue na!.. Kitakits sa story ni Mia ang dakilang virgin na expert 😂
![](https://img.wattpad.com/cover/228332781-288-k489239.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.