Nevaeh Pov*
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito si Zion. Kahit na magkaharap kami sa sofa ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
"Hindi ako si Heaven! Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.
"Why not? Hindi naman si Heaven ang pinunta ko dito" sabi nya habang nagtitigan kami.
"Umalis ka na nga!! Hindi ako sasama sayo!" pagpapalayas ko sa kanya dahil pag nalaman ito ni Heaven ay magagalit ulit sya sa akin.
"No sasama ka sa akin" wala talagang makakapigil sa kanya eh! Pwes tatakas ako sa kanya.
"Sige hintayin mo ako dyan!" at iniwan sya sa sala.
Bakit ba napakakulit ni Zion! Hindi nga kasi kami pwede!. Mahal sya ng kapatid ko at kung iyon pa ang makakasira sa pagsasama namin ni Heaven ay lalayo na ako.
"Tingnan natin kung makikita mo pa ako hah!" sabi ko ng trinatry kong bumaba sa bintana ng kwarto ko.
Wala namang nakakakita sa akin dahil anong oras din naman na!. Mukhang nauto ko talaga si Zion na mag aayos ako ng damit ah!.
"Putek sana all may kacallmate! Sana all may Jowa!!" may nakita kasi akong lalaki napatingin sya sa akin kanina. Well maweirduhan talaga sya pero kailangan ko talagang makatakas kay Zion.
Naunang nakababa ang maleta ko kaya ako naman na ang bumababa mula sa tale. Yung lalaki talaga siguro believe na believe sya sa akin, kanina pa yan nakatingin eh. Sana all talaga may kacallmate!.
"Hey wife! need help?" tingalala sa akin ni Zion mula sa baba. Amputek pano nya nalaman ito!
"Busetttttttt!!" sigaw ko kaya napatawa naman sya ng kaunti.
Yung lalaking may kacallmate kanina ay kinuha ang maleta ko. Wtf? ibig sabihin tauhan nya yun? ambobo mo Nevi malamang kaya nga nabuking ka eh.
"Trying to running away huh?" inis nya sa akin habang inaalalayan akong bumaba sa tale. Buhat-buhat nya ako at ayaw ibaba.
"Ibaba mo ako!"
"No! mamaya na lang" sabi nya na hinigpitan ang hawak sa akin, nag lakad sya papalabas at nagpupumiglas ako lalo na ng ipasok nya sa sasakyan. Dejavu?
"Nakalock yan! kung gusto mo ulit tumakas!" sabi nya sa akin na tumabi na sa kotse si Lalaking may kacallmate kanina ay nag dri-drive na ngayon.
"Wait hindi ako ang wife hindi ako si Heaven kaya pakawalan mo na ako"
"Yeah ikaw si Nevaeh ang kakambal ni Heaven na naging asawa ko ng 2 months and Half"
"Bakit mo alam?"
"Mamaya kukwento ko pag nasa bahay na tayo. Just Let me Hug you Wifey. I miss you so damn much!" then he hug me tightly na kinatigil ko. Ramdam ko pa ang pag singhot nya na parang adik sa may balikat ko.
Sa buong biyahe ay nakayakap lang sya minsan naman ay hahawak sa tiyan ko at bibilog ng malaki. Wth?
"Wala pa bang laman ito?" tanong nya habang hinahaplos ang tiyan ko. Kinabahan ako dahil baka meron na nga.
"Lagi ko namang binabaon ang mga buto ko dito ah" sabi nya pa at tinapat ang tenga sa tiyan ko sabay halik ng isa.
"W-wala!!" kinakabahan sabi ko sa kanya.
"Ok ulitin na lang ulit natin" sabi nya sabat yakap ulit sa akin. Wow ahh parang laro lang sa kanya yun na pwedeng ulitin kung kelan nya gusto.
"Saan ba tayo pupunta? Hindi rito ang way ng bahay mo ah"sabi ko dahil hindi na pamilyar ang daan.
"Bahay ng kaibigan ko. Nasa bahay si Heaven kaya bawal ka muna doon, tsaka masisiguro ko namang hindi ka mabobores duon dahil nanduon ang kaibigan mo" sabi nya pa sa akin habang hinahalikan naman nya ang pisngi ko. Adik amputek minsan kasi ay inaamoy nya pa.
Pagdating namin sa bahay kunno ng kaibigan nya ay halos lumabas ang mata ko sa nakikita ko ngayon. WTF????
"M-maam" si Ghorl yan na mukhang nanghihingi ng tulong sa akin mula duon sa lalaking kulang na lang ay ikandong sya sobrang higpit din ng hawak sa kanya.
"Meet my friend Wife" sabi ni Zion sa akin habang hinahapit ako sa papunta sa kanya.
"H-Hanz?"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.