Chapter 23

390 9 4
                                    

Nevaeh Pov*

Pag akyat namin nung babae ulit sa tulay ay nag iisip na ako ng pwedeng gawin sa akin ni Zion. Kung babarilin nya ba ako? Itatapon ba ako sa tulay o kaya naman ipapaambush na ako.

Lalo akong kinabahan ng makita ko ng papunta na sya sa akin na nakakunot ang noo at papalapit na sa akin.

"Z-zio--"

"Ayos ka lang wife???!! may masakit ba sayo? May sugat ka ba??" putol nya sa akin. Hindi nya ba ako naintindihan kanina?

"Hindi ka galit?"

"Galit ako sa ginawa mo pero lamang ang pag-aalala ko sayo" sabi nya sa akin, apaka swerte mo talaga kambal at may ganitong lalaki na nagmamahal sayo.

Nakita ko naman si Ghorl na papalapit dito kasunod si Officer Hanz. Bumenta ba ang ship ko? hahaha pero ang creepy talaga nila. Si Hanz na nakakatunaw ang tingin at si Ghorl naman na takot na takot ang mga mata.

"Maam! Sir!! uwi na tayo!!" naghahadaling sabi ni Ghorl pagkalapit sa amin. May hindi talaga sya kinukwento sa akin ah.

"Bakit naman?"

"Na-natatae na po akooo!" sabi nya kaya nag kayayaan ng umuwi kami, kung ako man din siguro ang natatae na ay baka kaladkadin ko pa ang mga kasama ko.

Tumingin naman ako kay Officer Hanz para magpaalam ngunit nakatingin pa rin sya kay Ghorl, tinging may binabalak? wtf!. Kailangan ko sigurong protektahan si Ghorl dito, abahh!.

"Halika na nga Ghorl! May mga tigre atang gutom sa paligid parang manganggat na" tukoy ko kay Hanz na kinatingin naman nya sa akin. Hindi ako manhid na may nangyayaring kakaiba sa kanila.

Aalis na sana kami ng magsalita naman si Dale.

"Mr. Zamora, let's talk about your issue. Maraming madadamay kung hindi agad masusulosyonan" seryosong sabi ni Dale kay Zion. Pinuwesto ko muna si Ghorl sa likod ko dahil baka mahimatay na ito.

"Tomorrow in my house" then iniwan na namin sila, tungkol naman doon sa tumalon sa tulay. May dumating ata na boyfriens nya inuwi na sya.

Pagdating sa bahay ay agad akong naligo dahil amoy burak ako. Baka maturn off pa si hubby-honey ko hahaha. Mahirap na dahil nag iisa lang si Zion baka mawala pa.

"Ayoko ng tinginan nyo ng isang officer kanina" hindi ko naramdaman ang pagpasok nya sa kwarto namin.

Nakabihis naman na ako kaso nga lang nighties ata ito ni heaven. Kasalukuyan akong naglolotion para sureball ng mabango talaga lalo na, na makakatabi mo si Zion na kakambal ata ang pabango dahil walang oras atang hindi sya bumaho.

"Si Officer Hanz ba? wala yun! kakilala ko lang yun" paliwanag ko habang nag lolotion.

"I don't like his name!" ramdam ko syang pumunta sa tabi ko at kinuha ang lotion.

"Sus! kaibigan ko lang yun atsaka shiniship ko sya kay Ghorl Mia!"

"But still nagseselos pa rin ako" hanuh daw?? Selos?? Ghorl love ka na ba nya?. Asa ka naman wala kang beauty.

"At pagnagseselos ako, may maganda akong nagagawa na hindi mo magugustahan, Right" kahit hindi ako tumingin sa kanya ay ramdam ko ang kakaiba nyang ngiti. Nakakakilabot, mga prend ang huling selos nya ata ay yung kay Dale sa japan na muntil ng may mangyari samin sa table.

"Huh ano bang sinasabi mo dyan?"

"Ang bango nito ah!" turo nya sa lotion. Mabango nga siguro kay Heaven ito dati.

"Pwede na, Pwede ng pampadulas" napalunok ako dahil sa sinabi nya.

Simula ng maging kaibigan ko si Ghorl ay madami na akong natutunan. Inosente ako dahil wala sa akin ang mandagan ng mga  kriminal. Hindi pumasok sa isip ko na masama din pa lang mandagan paminsan-minsan.

"Hubby! wag ka ng magselos lika tulog na tayo!"

"Tshh pasalamat ka, mahal kita" mahina nyang sabi kaya hindi ko marinig ang sinabi nya.

"Lika na may meeting pa kayo ni Dale bukas diba?" tumango naman sya at tumabi sa akin.

Pinatalikod nya ako at yinakap mula sa likod. Gusto kong kiligin kaso inaantok na ako dahil sa pagod kanina.

-------------- Kinabukasan----------

Nag uusap kami ni Ghorl ng dumating na ang bisita ni Zion. Nagtaka ako dahil bakit kasama si Hanz? si Dale lang naman ang kailangan ah.

"Sa akin ka lang tumingin Wife!" sabi ni Zion na masama na pala ang tingin hindi ko napansin dahil pinagmamasdan ko ang kilos ni Hanz.

"Good morning Mr. Zamora" sabay na bati ng dalawa. Nakita ko naman si Ghorl na namumutla! wtf may kakaiba talaga sila na kailangan kong malaman dahil hindi magkakaganito si Ghorl kung walang kakaiba.

"I thought na ikaw lang ang pupunta" sabi ni Zion na masama na ang tingin kay Hanz.

"O-oo nga sir paalisin nyo yung isa dyan!" singit ni Ghorl.  Bida-bida talaga sya mga pwends!

"Im police too" maikling sabi ni Hanz at tumingin kay Ghorl mula ulo hanggang paa. Ayos naman ang damiy ni Ghorl, mahaba-haba naman kaya hindi sya mababastos nitong Hanz na ito.

Nag umpisa ang meeting nila at nandito lang kami ni Ghorl sa tabi , tamang nakikinig lang. Dahil hindi kami makarelate kahit ako na pulis din.

"I need to pee! Asan ang Restroom nyo Mr.Zamora?" tanong ni Hanz.

"Mia paki assist si Officer Hanz sa CR" utos ni Zion kay Mia ng makita nyang ako dapat ang sasagot. Apaka seloso!

Umalis naman agad yung dalawa ngunit nakikita ko pa naman sila dahil ang kinauupuan ko ay nakikita pa naman ang daan papuntang C.R. Nakita kong lumapit si Hanz kay Ghorl at binulungan na kinaiktad naman ni Ghorl!

"You can run  but you can't hide to me, Amore" rinig kong sabi ni Hanz. Matalas ang pandinig ko mga ghorl kaya wag kayo.

Pero Anong meron sa kanila??

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon