Nevaeh Pov*
Nakauwi na kami galing japan at walang honeymoon na nangyari!. Naging malapit lang kami ni Zion sa isa't isa.
"Maam hindi nyo po ba ginawa yung sinabi ko sa inyo?" naiinis na si Ghorl sa akin. Edi sya gumawa hanap sya jowa nya at doon nya gawin yung pinagtuturo nya sa akin.
"Eh hindi naman kasi honeymoon ang pinunta namin duon! tsaka wag ka ng mainis, nahanapan naman kita ng jowa!" kinikilig ako sa kanila ni Dale. Mga siguro kasing edad nya lang yun, mukhang mas bata pa naman sa akin si Ghorl eh.
"Maam bakit naman po jowa?" napakamot naman sya ng kilay nya sa sinabi ko.
"Para sa kanya mo gawin yung pinapagawa mo sa akin. Buset toh bye muna ghorl, inaantok ako" napagod ata ako sa biyahe tapos suka pa ako ng suka sa eroplano.
Pagpunta ko sa kwarto ay agad akong humiga.Ang sakit sakit ng ulo at katawan ko, buti si Zion sanay na sanay sa ganito. Pumasok kasi agad sya sa company nya pagkauwi namin, may tatapusin lang daw sya. Inaantok na talaga ako, bahala na!.....
"Maam di pa po ba kayo kakain?" may gumigising sa akin pero hindi ako kumibo, nanghihina ako.
Ang sakit ng ulo ko, nanlalata ako parang ayaw kong gumalaw nang gumalaw.
"Maam ang init nyo po!" sabi ni Ghorl.
"I know im hot!" sabi ko sa kanya, sexy talaga ako dahil saming dalawa ni Heaven mas malaman ang boobs ko.
"Maam may lagnat po kayo!" sabi nya sa akin pero natulog na lang ako mawawala rin ito bukas. Sana nga
"Sir ayaw pong bumangon ni Maam, kanina pa po pinapabangon kaso ayaw talaga Sir" sabi ni Ghorl sa kausap nya.
"Heaven!" may tumawag sa akin. Ang laki ng boses nya baka si Lord yun! sinusunod na ako.
"Lord ayaw ko pa!" sinusundo na ata ako eh.
"Baliw! ako ito si Hubby-honey mo!" si Zion?.
"Zamora???" tanong ko para sure.
"Oo kaya kumain ka na para makainom ka na ng gamot" pilit nya sa akin habang hinahatak ang braso ko paupo. Pumosisyon sya likod ko para duon ako mapansandal. So sweet!
Sa buong gabi ay inalagaan nya ako, napakarahan ng mga galaw nya na parang ayaw akong masaktan. Kay swerte mong Homo Sapiens Nevi!
"Matulog ka na! Babantayan kita" kinumutan nya ako bago maupo sa gilid ng kama ko.
Nagising ako ng maaga, maayos na ang pakiramdam ko. Pwede na nga ata akong makipag patayan kay Cardo Dalisay.
"Zion!" gising ko dito sa lalaki. Nakatulog lang sa sya gilid ng kama ko. Buti kinaya nya!
"Hmm ayos ka na ba?" tanong nya habang hinipo ang noo ko, napaka maalagain pala nitong gwapo nato.
"Mukhang ayos na. Halika na kakain na tayo" inakay nya akong makalabas ng kwarto papuntang dinning area.
"Good Morning Sir, Maam" bati ng mga katulong.
"Kumain ka ng marami!. Ubosin mo yan" pinag ayos nya ako ng pagkain. Putek ang dami naman nito
"Hindi mo naman siguro ako kakatayin diba?" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga pagkain. Nakalimutan nya atang tao ang asawa nya at hindi baboy."Hahaha" tawa nya lang sakin.
"Tawang-tawa ka dyan, Oh ayan oh!!" pinunasan ko sya ng peanut butter hahaha.
"What stop!!" sabi nya sa akin pero di ako tumigil hanggang sa gumanti na sya.
Putek dahil sa mas malaki ang kamay nya, yung buong mukha ko ngayon ay may peanut butter na. Yuckss mukha na akong nadapa sa tae!!.
"You'll regret starting this war!!" sabi nya sa akin habang nakikipag harutan na. Mukha lugi ako dito
War naaa Guys!!!!!!
BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.