Chapter 15

338 12 5
                                        

Neveah Pov*

Pagkasabi nya ng He wants heaven ay agad akong nahimasmasan. Hindi ako si Heaven, hindi ako ang kailangan nya. Kaya agad akong tumayo at nagkulong sa banyo.

"H-hey!" tawag nya sa akin pero di ako sumagot. Naiiyak ako para sa sarili ko, Naawa na rin dahil hindi ko gusto itong nangyayari, nahuhulog na ba ako?

"Bakit kailangan ko pang maramdaman ito!" ang plano lang naman ay kolektahin ang pagmamahal ni Zion para kay Heaven pero bakit may parte sa akin na gusto kong mapunta rin sa akin ang pagmamahal na iyon.

"Wife! Emergency lang aalis lang ako" pagpapaalam nya sa akin pero hindi ako sumagot ayaw kong marinig nya umiiyak ako.

Naligo ako at kinuskos lahat ng parte ng katawan ko na dinapuan ng labi ni Zion. Hindi para sayo yan Nevi kaya burahin mo!. Halos mamula na ang balat ko kakakuskos. Maduming tao na ba ako? Pumatol ako sa kapatid ng asawa ko.

"Im sorry Heaven, minamahal ko na ang asawa mo" hanggang sa mapaupo na lang ako sa tiles ng banyo habang umiiyak. Ayaw kong magalit ang kapatid ko sa akin, ayaw kong mawala ang tiwala nya sa akin.

Simula ng araw na iyon ay iniiwasan ko na si Zion. Sa pagtulog ay nagtutulog-tulogan ako sa tuwing gigising naman ay nagpapahuli ako. Ayaw kong lumapit sa kanya dahil konting dikit nya lang sa akin ay nag iinit ang katawan ko.

"Oy Maam Nandyan na po si Sir. Bat ang aga nya pong umuwi?" tanong sa akin ni Mia.

Simula nung nangyari iyon , 5 days ago ay nawalan ako ng gana sa mundo at alam kong napapansin yun ni Manang at Mia.

"Mia pasabi na lang sa Sir mo na may ginagawa ako pag tinanong nya ako kung nasaan ako ah" tapos ay dali-dali akong pumunta sa likod bahay.

Sa mga araw ng pag iiwas ko sa kanya ay ginugol ko kakatanim ng mga bulalak dito sa likod bahay. At nakikita kong tumutubo naman sila. Dahil magaling akong mag patubo noh pati gubat ko sa private parts matatag hindi sila nalalagas agad-agad.

"Sir sabi po ni Maam may ginagawa mo daw sya eh" may narinig akong papalapit kaya napatago ako sa sulok kung saan hindi nila ako makikita.

"Where is she? Akala ko ba ay nandito sya??" tanong ni Zion ng hindi nya ako nakita.

"Ewan ko po Sir! Dito lang po laging naglalagay iyon eh.Tingnan nyo po yun oh! Nakapagpatubo na po sya" turo ni Mia sa mga halaman ko.

"Baka nasa kwarto na" at umalis na sila.

Ayaw ko pa talagang makausap sya at lumapit sa kanya. Hindi ko pa ata kaya naharapin sya dahil anumang oras na magkakatitigan kami ay nanghihina ako.

"Hoyy!! anong ginagawa mo dyan?" nagulat ako sa biglang salita ni Manang. Nasa bintana sya sa may kusina at kitang-kita nya kung pano ko taguan ang amo nya.

Lumabas naman sya duon sa may pinto na ngayon ko lang napansin. Nagpapakahirap akong umikot tapos may daanan naman pala dito, minsan nga kokonyatan ko itong matanda na ito. Lagi naman nya akong makikitang umiikot papunta dito tas may shorcut naman pala sa kusina.

"Nahuhulog ka na noh" di ko sya sinagot dahil alam ko ng alam nya ang sagot ko duon. Chismosa talaga mga ghorl kaya pagpasensyahan na natin.

"Sinabihan na kitang hindi mahirap mahalin ang alaga ko pero sana wag mo syang iwasan katulad ng ginagawa ng magulang nya sa kanya" biglang nag open si Manang tungkol sa pamilya nya.

"Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko.

"Si Zion ay anak ng Mama at Papa nya sa pagkakamali. Hindi nila mahal ang isa't isa kaya nung nagbunga ang nangyari sa kanila ay tinuring nila itong iba. Hindi naranasan ni Zion na mahalin ng magulang nya iha kaya wag mong iparamdam ulit sa kanya iyon" sabi sa akin ni Manang.

"Pero hindi ho ako si Heaven" sabi ko sa kanya.

"Pero ikaw ang nandito, ikaw at si Zion muna iha. Kayo muna" sabi nya sa akin.

"Masasaktan ako sa huli manang"

"Bakit nandito ka pa rin, kung alam mo ng masasaktan ka?. Ang gate ay bukas iha pero hindi ka  pa lumalabas. Anak pasayahin mo ang alaga ko" at umalis na sya sa harapan ko. Minsan talaga nakakatulong ang pagiging chismosa nya hayts.

Napaupo ako sa harap ng mga halaman ko ng  nakatulala habang iniisip ang sinasabi ni Manang.

"Bakit mo ako iniiwasan??" boses iyon ni Zion sa likod ko.

"Bakit ang dali na lang sayong iwasan ako?" gumagaralgal na ang boses nya. Kasalanan mo ito Nevi.

"Im sorry hubby" sabi ko sa kanya habang yinakap na sya. Yinakap naman nya ako pabalik at sumobsob sa balikat ko. Yiehh nakikiliti ako ano ba!

"Wag mo ng uulitin yun ah?" sabi nya sa akin na parang hirap na hirap sya sa nangyari. Mukha syang bata na nanghihingi ng candy.

"Hmmm" sabi ko sa gitna ng aming pagyayakapan.

"Promise me"

"I Promise"

Ikaw at Ako muna. Tayo muna Zion! Bahala na ang susunod.

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon