Nevaeh Pov*
Kinaumagahan nagising ako sa bisig ng taong mahal ko, pareha kaming walang suot na damit sa ilalim ng makakapal na kumot. Ngayon pinapanalangin ko na sana huminto ang oras. Ayaw ko pa talaga malayo sa kanya.
"One day i'll be loosing you" mahina boses na sabi ko sa kanya para hindi sya magising.
Hinawakan ko ng hintuturo ang mga mata nya na unang umakit sa akin. Ang ilong nya na napakatangos at ang mga labi nyang nagpapatumba sa akin pagdating sa kababalaghan.
"Hmmm good morning wife" ungol nya dahil mukhang nagising ko ata sya.
"Matulog ka pa, nagising ata kita"
"No, nagising talaga ako" sabi nya at umupo na sa kama.
Nag inat-inat muna sya bago kumuha ng bagong boxer short sa damitan nya kaya nakita ko ang bilugan nyang puwet. Sana all lang talaga pinagpala.
"Hey Wife! Maligo ka na, aalis tayo. Lalabas muna ako para ayusin ang sasakyan" sabi nya habang hinalikan ang noo ko at lumabas nasa kwarto.
'Saan naman na kaya kami pupunta?'
Habang naliligo ko ay napansin kong hindi na masakit ang katawan ko na parang nakabuti pa yung second round namin kagabi.
"Saan ba talaga tayo pupunta Zion?" tanong ko habang hinihintay syang makabihis.
"We will check our new rest house in Baguio" sabi nya na papunta sa akin hanggang sa makuha nya ang kamay ko para akayin paalis.
"Edi mahaba-habang biyahe na naman pala" sabi ko ng makasakay na kami sa kotse. Ayaw ko talaga sa biyahe.
"Yeah kaya matulog ka na muna. You don't have to worry, kakacheck ko lang ng sasakyan" paliwanag nya sa akin habang iniistart ang kotse.
Baguio? Hindi pa ako nakakapunta doon ah Pero sabi nila maganda daw doon at malamig? Wait Malamig?? ibig sabihin baka mag ka round 3 na naman.
"Sleep Wife, matagal pa ang biyahe" utos sa akin ni Zion na sinunod ko naman. Kesa sa masuka ako edi matulog na lang ako, kulang pa naman ang tulog ko dahil sa kanya.
Naalingpungatan naman ako sa biyahe pero agad ding nakakatulog dahil bukod sa pinagod ako ni Zion kagabi ay kailangan kong matulog talaga dahil nagsusuka ako sa mahabaang biyahe.
"Wife were here" nagising ako ng halik halikan ako ni Zion sa labi.
Napatingin naman ako sa paligid at napagtanto ko na malapit ng magdilim.
"Bakit mag gagabi na?"
"Sobrang traffic kanina wife, apaka tulog mantika mo naman kasi. Napagod ka ba kagabi?" panunukso nya sa akin.
"Baliw! Pakainin mo muna kaya ako dahil hindi pa tayo ng tatanghalian" sabi ko sa kanya.
Kumai. naman agad kami sa pinakamalapit na kainan dahil wala na kaming choice kung mamimili pa kami eh sa gutom na gutom na talaga kami.
"Wow ang laki naman nito" nandito na kasi kami sa rest house daw nya sa Baguio. Two story house ang peg nya.
"Binili ko talaga ito para pag nagbakasyon tayo ng mga anak natin ay may sari-sarili silang kwarto at may time tayong mag loving-loving" hinampas ko naman sya sa kamanyakan nya.
"Napapadalas na yang kamanyakan mo Zamora!" banta ko sa kanya.
"Hahaha kaakit-akit ka kasi Mrs. Zamora".
Nilibot namin ang buong bahay at masasabi kong napakaganda talaga nya hanggang sa mapunta na kami sa balcony ng master's bedroom.
"Wow ang ganda" manghang sabi ko ng makita ko ang buong syudad ng Baguio.
"Mas maganda ka" sabi ni Zion na naramdaman ko pang umayos sya sa likod at yinakap ako.
"Nagiging bolera ka Mister Zamora"
"Dahil mahal kita Misis Zamora" sabi nya sa akin na kinabilis naman ng tibok ng puso ko. Pero hindi ako si Heaven.
"No matter what happen i will chase you, At walang ka ng magagawa doon"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.