Nevaeh Pov*
Pagkatapos ng nangyari na yun ay agad na kaming umuwi sa bahay. Tinanong ko sya kung anong nangyayari ngunit ayaw nya akong sagutin. Nagpapakabayani ata ayaw sabihin duhh pulis ako noh.
"Zion kailangan kong malaman!"
"No! I have to go!" tuwing tinatanong ko sya tungkol sa nangyari na yun ay bigla na lang syang aalis o di kaya naman ay may gagawin. At sobrang nakakainis na.
Isang buwan naman na ang nakakalipas simula nang nangyari yun ngunit hindi pa rin talaga sa akin sinasabi ni Zion kung ano ba talaga ang meron. At sa lumipas na mga araw ay wala namang nangyayaring kakaiba baka nantrip lang yung mga yun o kaya mga bitter kaya babarilin kami. You know naman ang daming bitter sa earth.
"oyy ghorl!! arat mall tayo! Naboboring na ako sa bahay"
"Eh maam baka magalit si Sir" minsan nag sasawa na ako kay Ghorl Mia pero no choice sya lang ang halos kaedaran ko dito. Bawal naman si Manang baka batukan ako ni Zion pag may nangyaring masama duon.
"Hindi yan! Akong bahala Ghorl!"
Nag ayos naman kami ni Ghorl ng damit, natagalan lang dahil pinagpalit ko sya. Aba gagala kami tapos ang suot nya pang maid pa rin, like hindi pwede sa akin yun.
"Ayan bongga! Ang ganda mo Ghorl! Di ko alam kung bakit nag maid ka lang"
Totoo naman kasing maganda si Ghorl! Kaya mukha na kaming mag tropa ngayon dahil sa ayos nya. Kaso mukhang nadaig ang beauty ko, kaso wala naman ata talaga akong beauty. Ano ba yan!
"Maam! Anong ginagawa natin dito?" tanong nya ng pumunta kami sa jolibee.
Nandito na kasi kami sa Mall. Nag commute lang kami dahil namiss ko na ang mababahong sasakyan, ang mababahong kili-kili ng katabi at mga yakap ng hanging polusyon.
"ipapachop-chop kita tapos ibebenta sa may ari! Hahaha joke lang naman syempre kakain tayo" bawi ko agad dahil namutla talaga si Ghorl, masyadong matatakutin.
"Akala ko maam totoo na!" natatawa nya ng sabi pero malay nya mapagtripan ko magawa mo din.
"Syempre kailangan mong mabuhay! Like kailangan mo pang i-apply yang nalalaman mo sa honeymoon para sa sarili mo"
"Tama ka dyan maam!!" Expert ba naman kasi yang Ghorl na yan. Kung ano-ano tinuturo sa akin, tas pag tinanatanong ko wala naman daw syang jowa.
Nagpakasaya kami sa Mall, pero minsan talaga may mga panget na memories na mangyayari sayo sa Mall. Secret na namin ni Ghorl na nadulas ako sa may banyo hahaha. Kabobohan tawag doon sana nangyari din sa inyo.
"Maam tumatawag si Sir baka hinahanap na tayo!" biglang sabi ni Ghorl, kaya napatingin naman ako sa orasan ko 3 pm na. Ang bilis naman ng oras kasing bilis ng pagtubo ng gubat ko sa perlas ko.
"Hello Sir, opo nandito kami sa Mall, Maam kakausapin daw kayo" at binigay nya sa akin ang phone.
"Pupunta ako dyan! Hintayin nyo kami" sabi nya agad sa akin ng mag hello ako sa kanya. Atat na atat akong makita halerr ako lang ito?.
Kinabahan naman ako dahil bawal syang maexpose dito, bukod sa sikat sya ay baka nandito ang sniper.
"Huh?? Wag na uuwi na lang kami"
"Papunta na kami dyan in 2 minutes" sabi nya sa akin. Putek ano bang meron syang sasakyan at mukhang lumilipad ata.
"Huh?? Oh sige sige sasalubungin na lang namin kayo" at binaba ko na ang tawag.
"Oy Ghorl!! Takbo dali!! andyan na sundo natin" naguguluhan man ay nakitakbo sa akin si Ghorl. Apaka uto-uto talaga.
Nakalabas na kami ng Mall at saktong huminto ang sasakyan ni Zion. Napahinga naman ako ng mabuti nang makita ko ang sasakyan ni Dale na kasunod lang ni Zion. Buti talaga andyan si Dale na bantay nya.
"Hop in!" sabi nya kaya tumabi ako sa kanya habang si Ghorl naman ay tumabi sa driver.
"Ano ayos ka lang ba?? May masakit ba sayo?" tanong agad nya.
"Wala"
"May gumulo ba sa inyo? May---" di ko na sya pinatapos.
"Wala Hubby just calm ok? Walang nangyari" pigil ko sa pag aalala nya. Kay swerte ko talagang homo sapiens at may gwapong adonis na nag aalala akin.
Sa gitna ng biyahe ay biglang huminto ang sasakyan.
"What happen??"
Ano na naman ito!. Anong kaguluhan to??

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.