Nevaeh Pov*
Pagkatapos nung nangyari kanina sa likod ng bahay ay hindi mo na mailayo si Zion sa akin. Apaka madikit nakakapanibago. Ang init-init tas dikit nang dikit mung mag hubad pa sya baka ako na pumulupot sa kanya haha.
"Wait mag babanyo lang ako! Dyan ka na lang" taeng tae na kasi ako tas mukhang sasama pa itong lalaki na ito.
"Mag babanyo ka lang ah?" paninigurado nya pa. Amputek anong akala nya duon? may portal? kakainin ako ng inidoro??
"Oo!! sige na duon ka na lang sa baba!!" tinulak tulak ko na sya baka maturn off pa sa akin yan pag naamoy yung produkto ko hahaha. Kilala lang naman kasi ako sa pinaka mabahong dumi sa angkan namin.
Kahit may ginagawa akong kababalaghan sa banyo ay si Zion pa rin ang iniisip ko. Ganun sya kaimportante sa akin haha.
"Ano kayang nakain nun at ang agang umuwi" sabi ko sabay flush ng inidoro.
Naghugas ako ng kamay baka mag holding hands kami mahirap na. Nakakahiya naman sa kamay nyang hindi ata nadudumihan.
"Wife! Date tayo?" agad nyang tanong sa akin pagkababa ko sa hagdanan. Oyy date daw! Aangal ba ako? pero kailangan kong magpakipot.
"Wala ka bang gagawin sa office mo? Bakit nga pala ang aga mong umuwi?" balik ko sa kanya baka kasi mamaya nasa kalagitnaan na kami ng pagsasaya tas bigla syang aalis.
"Wala na! Tinapos ko na yung trabaho ko sa buong 1 week kaya isang linggo mo akong kasama" mahaba nya ng sabi habang nag tataas-baba naman ang kilay nya.
Kinabahan ako dahil hindi naman pwedeng mag titigan lang kami sa buong araw at buong gabi ng isang linggo na yun. Pwedeng mangyari pa yung nangyari nung nakaraan.
"Huh?? Sige lika na!! baka nabo-bored ka na dito sa bahay!!" aya ko agad baka mabored sya dito sa bahay tas bigla nya akong gapangin.
'Asa ka naman ghorl' sabi ng isip ko.
Sa gitna ng biyahe ay hindi na naging pamilyar sa akin ang daan baka iligaw ako nito ah.
"Hoy saan tayo pupunta baka mamaya iligaw mo ako! isusumbong talaga kita kay Manang!" tinawanan nya lang ako sa pagkakaisip bata ko, natatakot naman na talaga ako eh kasi hindi ko na alam yung daan.
"Mag da-date nga kasi tayo! matulog ka muna dahil mahaba pa ang biyahe natin" utos nya sa akin.
"Eh baka mamaya pagkagising ko iniwan mo na ako sa damuhan! Naku sinasabi ko sayo hahanapin kita at ipapakain sa tigre ko" sabi ko sa kanya at naalala ko si Lily, pinapakain naman kaya sya ni Leo??.
"Bakit ko naman gagawin yun? edi nawalan ng maingay sa bahay tsaka allergic ka sa mga balahibo" sabi nya sakin at napatigil ako. Oo nga pala, ako nga pala si Heaven ngayon.
"Tsk siguraduhin mo lang, Sige matutulog na ako!" nawalan ata ako ng gana kaya matutulog na lang ako tutal malayo pa naman daw ang biyahe.
Napasarap naman ang tulog ko dahil ang lamig ng simoy ng hangin. Binuksan ko kasi yung bintana, ayoko sa amoy ng aircon at amoy ng air freshener. Napaka suicide talaga sakin non.
"Ate! Bakit nandito ka?" si Heaven bakit nandito sya.
"Gagala kami ni Zion ikaw bakit ka nandito?" kinabahan ako baka makita kami ni Zion.
"Wife!!!" rinig kong tawag ni Zion. Hindi ko alam kung sino sa amin ang lilingon ako ba o si heaven.
Naramdaman ko ang pag hawak nya sa balikat ko. Yinuyugyog ako?.
"Wife!!!! gising nandito na tayo!" bigla akong nagising sa pagkakatulog, akala ko totoo na. Hayts buti naman.
"Zion! layo! bakit ba ang lapit-lapit ng mukha mo!!!" sabi ko sa kanya ng naiirita, kinikilig kasi ako. Enebe
"Para ka kasing may kaaway sa panaginip mo! Yung kilay mo kunot na kunot!" sabi nya habang iinaayos na ang kotse.
"Nasaan ba tayo?" tanong ko na narinig ko pa ang agos ng tubig. May dagat??
"Nasa private beach resort tayo!" sabi nya na bumaba na sa kotse..
"Haluhh edi ang mahal nito tsaka isang araw lang tayo dito, sayang naman yung ibabayad mo!" sabi ko sa kanya ng bumaba na din ako sa kotse. Naamoy ko na kasi yung aircon dahil nilock na nga nya kanina yung bintana.
"At sino bang nagsabi na 1 Day lang tayo. We here for a week" pagkasabi nya nun ay bigla akong kinabahan.
'One week na kami lang? Solo namin! at ibig sabihin hindi lang Jack N poy ang magagawa namin'
Paktay ka na Nevi!!!!

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Fiction généraleTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.