Chapter 31

336 13 3
                                        

Someone's Pov

"Sir sinusundan na po namin si Ms.Nevi at mukhang nahahalata nya na" sabi ng sumusunod kay Nevi.

"Fuck!! Ayusin nyo ang trabaho nyo! Kunin nyo sya ng walang galos" utos ng boss nila na binabaan pa sila.

Napailing na lang ang lalaki dahil ang lakas talaga ng tama ng boss nya kay Ms.Nevi. Sa kakailing nya ay hindi nya  napansin na nawala ang sinusundan nya.

"Fuck! nakalimutan kong pulis nga pala yun" then sinundan nya si Nevi sa nilikuan nito.

Nevaeh Pov*

Sa 2 weeks na nakakalipas ay lagi kong nararamdaman na may sumusunod at nanonood sa akin.

"Sino ba kayong mga hindot kayo!!!" naiirita kong sabi sa sarili at binilisan ang pagliko. May sumusunod na naman kasi sa akin amputek.

"Trying to runaway Miss?" kinabahan ako ng may makasalubong ako. Isa siguro ito sa mga sumusunod  sa akin.

"Sino ba kayo huh?!" matapang na sagot ko. Wala pa akong dalang pang depensa dahil nakaleave pa din ako.

Nagulat na lang ako ng takpan nya ang ilong ko ng panyo. Ayaw ko man sumama pero kailangan kong malaman kung sino itong mga hindot na ito.

"Shit" i said bago umepekto ang gamot na naamoy ko ngayon. Malaman ko talaga kung sino kayo! ipapakain ko kayo may Lily!!!!.

Naalinpungatan ako ng may yumuyog sa akin. Amputekk nakikita namang natutulog ako eh.

"Ano ba natutulog ako!!!" sita ko sa bwiset na yun.

"Hahaha Ganyan pa rin pala talaga ang ugali mo Nevi" nagising ako ng tuluyan dahil sa di pamilyar na boses.

"Sino ka??" sabi ko ng di ko talaga sa makilala.

"Ako ang magiging asawa mo!" sabi nya na parang baliw. Yuckss ahh kadiri sya mga ghorl.

"Di ako pumapatol sa bano" oo may itsura sya pero may sapak sya sa ulo.

"tsk ok sasabihin ko na talaga ang rason. May utang sa akin ang kapatid mo, at dahil hindi ko mahawakan ang bwiset nyang asawa ay ikaw na lang ang pwedeng kabayaran tutal baliw na baliw ako sayo" then hinawakan nya ang kamay ko para halikan. Sweet na sana kaso bano ka!

"Wag mong hahawakan si Zion!!!" sigaw ko sa kanya.

"Woahh ano bang meron sa Zamora na yun? at mukhang patay na patay kayo doon!"tanong nya sa akin pero hindi ko sya sinagot.

"Tsk  aalis muna ako mylove!" edi umalis ka wala akong pake.

Sinamaan ko sya ng tingin ng susubukin nyang halikan ang pisngi.

"Isang dikit nyang nguso mo sa susunod sa pader na yan dadapo" banta ko kaya napaatras syang tumatawa.

Umalis na sya sa kwartong kilalagyan ko habang ako naman ay nag iisip kung pano makaalis dito.

"Putek saan ko ba nakita yung mukha na yun?" tanong ko sa isip.

Pamilyar ang mukha nya, di ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

'Baka yung crush mo dati Nevi?" sabi ng isip ko.

Kinalibutan naman ako doon. Nakita ko naman agad ang pinto kaya ginawa ko na agad ang plano ko.

"Babe!! mylove?? buksan mo ang pinto ano ba?" pag iinarte ko.

May naramdaman naman akong papalapit dito kaya umayos ako para sa live acting skills ko.

"Maam umalis na po si Sir" sabi ng tauhan nung bano kanina.

"Ehee? nakalimutan nya yung i love you ko!!! ano ba  yan pakibuksan nga itong pinto, ihahabol ko lang" pakiusap ko. Naramdaman ko namang gumagalaw ang door knob

"tssk uto-uto" sabi ko ng mahina.

HAHAHAH its time to shine!!

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon