Neveah Pov*
Nandito kami ni Ghorl sa kwarto nag iimpake ng damit namin ni Zion dahil aalis nga kami papuntang Japan.Nakalimutan kong tanongin kung ano gagawin namin sa Japan.
"Oy Ghorl! may napansin ka bang nagbago sa akin?" baka kasi mamaya may napapansin na din sya katulad ni Manang.
"Ay opo Ma'am parang bumalik lang kayo sa dating ikaw" nagtaka naman ako duon sa sinabi nya. Dating Ako?
"Anong dating ako?"
"Nuong una kang dinala ni Sir dito. Mukha po kayong boyish tas nung tumagal na po kayo dito nag sungit na po kayo samin, di nyo po natatandaan?" umiling ako sa kanya kung ganun tama naman pala ang ginagawa ko ngayon.
"Tapos tuluyan na po kayong nagbago nung may nag aya po sa inyong mag modelo. Ayaw po ni Sir na mag modelo kayo pero nagpumilit po kayo hanggang sa lagi na po kayong nag aaway ni Sir" kwento nya pa, kung ganon nga ang nangyari. Napakaengot mo Heaven, ipagpapalit mo ang mahal mo para lang sa kaligayahan mo.
Kaya siguro di pa napapansin ni Zion na mag kaiba kami ni Heaven. Once na din pala syang naging boyish kaso sa pagkakaalam ko, hindi tipo ni Heaven ang ganong damit. Magkaiba kami simula nung bata pa kami. Boyish ako habang sya naman ay Maria Clara!.
"Tuwing nag aaway kayo ni Sir lagi pong nagsusobsob na si Sir sa trabaho kaya ayun kami ni Manang ang lagi mong kasama dito sa bahay" ang daldal talaga ni Ghorl. Ahh naging hobby na ni Zion ang mag walk out pag di kami nag kakaunawaan.
Kaya siguro nahalata na agad ni Manang na iba ako dahil magkatulad man kami ng pananamit at itsura, magkaibang-magkaiba naman kami sa salita at gawa. Matagal pa kaming nag kwentuhan ng may matanggap si Ghorl na message.
"Maam sabi ni Sir, mamaya na daw ang flight nyo" sabi nya sa akin pagkatapos basahin yung message. Apaka bilis naman.
"Eh ano ba gagawin namin sa Japan?" Yaman nya ahh Japan-japan pa sya.
"Baka mag babakasyon Maam. Nakapag honeymoon na po ba kayo?" curious na sabi nya at kinabahan ako duon.
"H-hindi pa" nahihiya kong sabi.
"Ayiehhhh Maam!!!! Malamig ang klima sa Japan masarap mag painit duon hihihi yiehhh" tukso nya sa akin habang kinikilig pa.
"Ano ba yang sinasabi mong luka ka!! Kurutin ko yang singit mo!" feeling close talaga tong si Ghorl.
"Maam mag ayos ka na. Baka bumalik ka nga sa dating ikaw pero di mo naman naalagaan yang katawan mo edi hindi mag eenjoy si Sir!" panunukso nya sa akin.
"Bano ka!! Umalis ka na nga bago ko sabunutan yang patilya mo!" naiinis ko ng sabi sa kanya at kunwari aabutin ko ang patilya nya kaya napaatras sya papunta sa pinto.
"Weh Maam?? Baka tama lang ako na malalago na yan mga yan. Hahahah sige maam alis na ako para makapag umpisa ka na!" tukso nya sa akin at tumakbo na papalayo dahil nakita nya akong Tatayo na sa pinag upuan ko.
"Napaka ano talaga nung babae na yun. Pag nakita ko talaga si Hanz, ibubugaw ko yan kay Ghorl" sabi ko sa sarili.
Di ko pa pala nalalaman yung totoo nyang pangalan. Hayss sa susunod ko na lang siguro itatanong ko. Pero feeling ko bantutin ang pangalan ng Ghorl na yan like Bebang D. Navergen hahaha.
"Tek pero may point sya, Di ako katulad ni Heaven na maayos sa katawan. At masasabi kong malago talaga itong tinatago ko" sabi ko at sinulyapan ang tinatago ko na halos ikangiwi ko ng makakita ako ng gubat.
Pumunta ako sa banyo at naghanap ng pang shave. First time ko lang toh mga Ghorl may kasabihan kasi ako nung una akong tinubuan ng buhok.
'Kung nag kusa syang tumubo ay mag kusa din syang mapanot'
Pero mga ghorl! palaban din tong mga pubic hair ko. Lakas ng kapit hindi mga nag silagasan. Ganyan nga mga anak! hahaha
"Pero kailangan ko muna kayong tanggalin dahil lalambingin natin ang daddy nyo nyahahaha" parang baliw na sabi ko sa banyo habang tinatanggal ko sila.
Ano kayang mangyayari sa Honeymoon namin?. Tanungin ko na lang si Ghorl baka may alam sya na pwede kong gawin.

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.