Nevaeh Pov*
Nakarating na kami sa bahay nya o sabihin na nating mansyon. Bigatin talaga itong si Zamora pero mukha namang patay ang bahay nya, ewan ko ang panget ng vibes eh apaka tahimik kasi.
"Zamora! Zamora" kalabit ko sa katabi ko. Nandito pa rin kasi kami sa sasakyan napaka layo ba naman kasi ng bahay nya sa mismong gate nya. Ganun ka astig ang mansyon nya, malungkot man ang vibes pero napaka ganda talaga."Pwede ba akong umalis mamaya?" tanong ko. Kailangan ko talagang makaalis dahil baka matanggal ako sa trabaho kung biglaan akong mawala.
"No"
"Babalik din naman ako!"
"No"
Bumaba na sya kaya sumunod ako sa kanya.
"Kung sumama ka na lang?"
"No i have work" grabe kaya yumayaman ito eh puro siguro trabaho. Share nya naman hahaha.
"Dali na!!!!!" pilit ko sa kanya. Ngunit lumabas lang sya sa kotse dahil nandito na pala kami sa mismong bahay nya.
Hindi nya na ako pinansin at pumasok na sya sa bahay nya. Napakalaki naman nito, kung gano kaganda sa labas ay mas bongga sa loob. Ang linis, ibig sabihin bilang asawa nya lilinisin ko buong bahay na toh?
"Feel na feel mo ghorl ah" sabi ko sa sarili ko habang napapahanga pa rin sa paligid. Pero pulis ako hindi maid! wala akong alam pagdating sa gawaing bahay.
Asan naman kaya ang kwarto ko? Di na ako aasa na magkasama kami sa isang kwarto.Dahil kasal man kami pero parang hindi rin, diba ang gulo? Sige ito na lang. Walang you may now kiss your bride na naganap. Sayang naman
"Oyyy Zamora! Asan ang kwarto ko?" siga kong tawag sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi sya ang boss!
"Zamora ka ng Zamora! May pangalan ako!" sinasamaan nya ako ng tingin. Putek nagpapanggap nga lang pala ako. Kailangan kong mag isip para malaman ko ang pangalan nya.
"Ahh oo nga pala! Pengeng papel at ballpen dali!!!" sabi ko sa kanya. Binigyan naman nya ako, buti na lang talaga matalino ako.
"Ano full name mo?" sabi ko habang sinusulat na ang full name ni Heaven.
"Lance Zion Zamora, what the fuck are you doing?" ng makita nyang nagkwe-kwenta na ako sa mga pangalan namin.
"FLAMES. Tingnan natin kung Friends, Loves, Anger, Marriage, Engagement, and Soulmates. Di mo ba ito alam?" tiningnan ko sya at tinitigan nya lang ako ng masama.
"Sabi ko nga wala. Haluhhh F daw! Friends lang da--" di ko na tapos yung sasabihin ng pinunit nya ang papel.
"You!! Linisin mo ito! At sunugin" galit na galit ang lolo nyo kaya yung maid sa gilid namin ay agad syang sinunod.
"Apaka kj mo Yonyon!! Asan nga pala ang kwarto ko??" balik ko sa tanong ko kanina. Hindi kami pwedeng magtabi baka gapangingin ko sya hahaha.
"Yonyon?" sabi nya at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata. Eacckk enebe rumurupok ako boiset!.
"Wait bitaw na!! Masyado kang mapaghawak!" sabi ko habang lumalayo. Nababawasan ang angas ko, di pwede yun!.
"Duon sa kwarto ko, sumunod ka sa akin" Anong kwarto nya?? di ako papayag, malakas akong humilik baka maturn off sya.
"Ayoko kitang katabing matulog" sabi sa kanya habang naka pamewang pa.
"But im your husband!" sabi nya habang napahinto na sa pag-akyat sa hagdan ng kalangitan. Sa sobra naman kasing ganda ng bahay nya aakalain mong nasa paraiso ka na.
"Husband ka dyan? Di kita husband! kasi walang nagkiss na husband at wife kanina " sabi ko sa kanya.
"What??"
"Hindi!! Walang kiss! Asan ang kiss dapat ang mag asawa hindi sa pirma lang ayos na. Sini-sealed yun ng kiss!" yun naman talaga ang napapanood ko sa drama.
"What??"
"Walang nag kiss! Asan ang kiss?? Asan ang kiss?? Asa-- wait what are you doing?" bumabalik kasi sya papunta sa akin. Huminto lang ng nasa harap ko na sya.
"Then let sealed it with a kiss" lumapit agad ang mukha nya at hinalikan ako.
Noooooo my first kissss!
"Nag iba ka Heaven" then iniwan nya ako na tulala.
'Pwedeng isa pa?'
![](https://img.wattpad.com/cover/228332781-288-k489239.jpg)
BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.