Nevaeh Pov*
Nakatulugan ko na ang kahihintay kay Zamora hanggang sa may naramdaman akong yumugyog sa akin. Nakakabuset naman, sinisira ang beauty rest ko.
'Kapal mo self wala ka nun' sabi ng sarili ko sa akin.
"Maam gising po! Andyan na si Sir. Sabay daw po kayong kumain!" gising sa akin ni Ghorl. Si Zion nandito na? Ibig sabihin nakita nya akong nakatulog sa upuan, baka tuloy laway pa ako!.
"Nandyan na? Ano? Galit pa rin ba?" tanong ko agad kay Ghorl, mukhang fresh na fresh na sya tapos ako ito may tulo laway pa akong nakakapa sa bibig ko.
"Hindi na ata Maam" di siguradong sabi ni Ghorl. Putek baka galit pa yun!
Sa tatlong araw na pamamalagi ko dito sa bahay nya ngayon ko pa lang sya makakasabay kumain. Kinakabahan man ako ngayon pero kailangan ko itong gawin para sa future nila ng kapatid ko.
"Hayss kailan ba ako matatapos, kakaayos sa gulo ni Heaven" sabi ko sa sarili ko, lagi na lang ganito ang ginagawa ko bilang isang ate nya.
"Ano yun maam?" sabi ni Ghorl, chismossa!!
"Sabi ko sabay ka samin kumain! Natatakot ako kay Zion!" pag sisinungaling ko sa kanya pero may part talagang natatakot ako.
Hinila ko sya papuntang dinning area. Pagpasok ko pa lang ay nakasalubong ko na ang lamig ng tingin ni Zamora, ang ganda ng mata nya talaga!. Kaso parang laging galit, minsan naman ay matamlay.
"Ghorl! Dito ka sa tabi ko dali!" nag aalinlangan man ay umupo na sya sa tabi ko.
"Manang! Halika sabay-sabay tayo" ng makita ko syang nasa gilid lang namin. Kailangan kong mang hatak ng kasama para kung pagagalitan man ako ni Zamora ay mahihiya sya.
Nagsimula ng kaming kumain ng tahimik. Ang awkward ng paligid, puro kalansing lang ng tinidor at kutsara ang maririnig. Pero baka ganun talaga ang mayayaman, di nag iingay sa hapag kainan. Ang boring naman nila ah.
"Im done" biglang sabi ni Zamora. Nakita kong ubos na ang pagkain nya.
Tumayo na sya sa kanyang upuan, iiwanan nya na sana kami ngunit hinawakan ko ang kamay nya. Tek ang lambot, sana all lanh talaga.
"About kahapon--" paninimula ko ngunit sumingit sya.
"Forget it" habang tumingin sya sa mata ko.
"No. Sa mga nagawa kong mali sayo, Im sorry Zion. Gusto kong bumawi sayo" sabi ko sa kanya, gusto kong bumawi sa mga nagawang kalokokan ni Heaven. At kung puro ganito lang ang mangyayari sa kanila pag nagkapalit na kami ay hindi talaga ako mapapakali.
"Kung ginagawa mo lang ito dahil guilty ka! just keep it. Di ako tumatanggap ng awa" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko na parang hinahalukay ito. Gustong gusto ko talaga ang mata nya! parang nanghihigop, yung hindi nakakasawang tingnan.
"No! Gusto kong gawin sayo ito ng buong puso. Gusto kong mag simula ulit tayo!" sabi ko ng seryoso.
"At bakit mo naman gagawin yun?" nakunot noong sabi nya. Ang gwapo pa rin nya duon!.
"Dahil mag asawa tayo!!" ramdam ko yung pag init ng pisngi ko, napaiwas ako ng tingin. Nakita ko si Ghorl nangingisay na sa kilig, si Manang na pinapanood lang kami. Ganda ng teleserye nila! Live!!
Tumingin ulit ako kay Zion. May bakas ng saya sa mukha nya ngunit may parteng nagdududa pa rin sya. Kaya ngumiti ako ng matamis sa kanya upang sabihin na seryoso talaga ako duon.
"Ok mag impake ka na ng damit mo" ano?? palalayasin nya ako???
"Wait h-hubby naman. Akala ko ba mag uumpisa tayo. Bakit mo ako papalayasin?" nagtataka na talaga ako mga ghorl. Nakita ko namang napatawa sya ng konti, ang sexy rawr!.
"Silly! pupunta tayong Japan. Mag impake ka na, pasok na ako" then he kiss my noo. Omggg baka nakita ng fans ko yun.
Lumingon ako kali Ghorl at Manang wala na pala sila kaya pala ang lakas manghalik nun. Kinikilig talaga ako to the highest level. Mainggit kayo mga ghorl!
*brizkk* *brizkk*
Nag vibrate ang cellphone ko ibig sabihin may nag message. Si Heaven!
From: Veni
To: NeviAte don't fall inlove with him. He's Mine.
Ayan lang ang laman ng message ngunit ginulo nito lahat ng sistema ko. Paano nga kung mahulog ako?
"Qaqa Nevi! Sa plano mo! Mangyayari at mangyayari talaga yan!!" nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.
"So ikaw pala si Nevi" kinabahan ako sa taong nasa likod ko ngayon. Buset mapapaaga atang matatapos ang pagpapanggap ko ahhh!
Akala ko ba umalis na sya.

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.