Nevaeh Pov*
Tumigil ang sasakyan namin dahil sa traffic. Anong kalokohan na naman kaya ang nangyari?. Nagkakagulo kasi sa may tulay.
"Sir mukhang mapapatagalan po tayo!" sabi agad ni Manong ng bumalik sya sa sasakyan, lumabas kasi sya kanina para ata makichismiss.
"Why?"
"May tatalon po ata kasi sa tulay" dahil sa narinig ko ay agad akong napalabas sa kotse. Kahit naka leave ako, kailangan ko pa rin gampanin ang pagiging pulis ko
Rinig ko ang tawag nila ngunit hindi ko sila nilingon. Napaka qaqa mong tao! Bakit ka tatalon sa tulay eh ang babaw lang nyan! Hindi sya mamamatay doon.
"wag kayong lalapit!! Tatalon ako!!"
"Miss kung ano mang problema mo, ay maari namang mapag usapan yan" nandito pala si Officer Hanz. Naks sana sumunod si Ghorl!
"Anong meron?" tanong ko agad ng makalapit ako sa Team.
"Chief! Bakit ka nandito?" tanong nung isa kong kasamahan.
"Mahabang kwento! Pigilan nyo na yan. Ano Officer Hanz? rumurupok ka na ba?" pang aasar ko pa kay Hanz.
"Chief! Tuwing luma---" hindi nya natapos ang sasabihin nya ng may nagsalita na sa likod ko.
"Wife! wtf?? bakit ka ba labas ng labas" sabi ng gwapo si Zion na kasunod si Ghorl, si manong driver siguro ang nagbantay sa kotse. Nakita ko naman si Dale na kanina pa nakasunod sa amin na papalapit na rin dito.
"Anooo baa!!! wag kayong lalapit!!! Isa!!" sigaw na naman nung magpapakamatay. Papansin sya ghorl?? Nakikita naman nyang nahuhumaling pa ako sa gwapong si Ziom eh.
"Waggg!!" mga sigaw yan ng audience nya wag kayo!.
"Kung tatalon ka! Tumalon ka na! Di ka mamamatay dyan!! Babaon ka lang sa burak!!" naiinis na sigaw ko doon sa babae.
"Wala ako pakielam!!! Dalawa!!" sabi nya din sa akin.Tatalon nga talaga ang hindot. Ganda sya ghorl? paimportante eh.
Nagsimula na akong tanggalin ang jacket ko, at sapatos ko dahil tatalon din ako pag tumalon sya. Dahil karamihan sa mga nagpapakamatay ay nagbabago din ang isip. At sa mga mata nitong magpapakamatay ay makikita mo ang takot.
"M-maam saan kayo pupunta?" si Ghorl Mia yan, mukhang natatakot na ewan.
"Tatalon ako doon! Sasama ka??" biro ko sa kanya.
"Oo maam!! Sasama ako!! Halika na!! Dalii" Sabi nya habang naghahadali. Naluluka na ba sya? nakasinghot ata ng katol ito kanina eh.
Halos mag dikit naman ang kilay ko dahil sa sagot nya, tiningnan ko sya kaya nakita ko kung paano maglikot ang mata , mamutla ang mukha nya. Bakit sya natatakot??.
"Hawakan nyo yan!" utos ko kay Hanz at Dale, dahil natatakot na talaga ako sa kaweirduhan ni Ghorl.
"Ikaw! Dale bantayan mo din si Zion" utos ko pa ulit. Baka malinggat lang ako, napahamak na ang gwapong si Zion.
"What?? Tatalon ka?? Di ako papayag??!" nag aalburoto na ni Zion ngunit wala akong pakielam, serbisyo ko ito kahit naka leave ako.
"M-maam!!! sama ako!!!!" sigaw na naman ni Ghorl ngunit di ko na sya pinakinggan. Bano talaga!
"Ano tatalon ka ba o tatalon??" tanong ko na duon sa babae. Kaya nagulat ako ng bigla talaga na syang tumalon kaya napasugod ako at tumalon na din.
"A-ano ba wag mo akong hawakan!?" huling rinig kong sabi ni Ghorl sa kausap nya. Ang weird nila ni Hanz ah.
Naramdam kong bumagsak na ako sa tubig kaya dinilat ko na ang mata ko para hanapin yung babae, Nakita ko naman syang nagkukumawag para makaahon. Oh ngayon?? nag sisise na sya, Kabobohan teh ah. Tinulungan ko syang makaahon sa tubig at dinala sa gilid ng bato.
"Oh?? Ok ka na?? Nasagot na ba problema mo?" tanong ko sa kanya, ngunit agad naman syang umiyak na tila takot na takot sa kamatayan nya kanina.
Narinig ko ang palakpakan na galing sa tulay kaya alam kong kami yung pinapalakpakan nila. Live action diba? hahaha. Tiningnan ko si Zion at kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa.
"Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami sa malayo ay alam kong naintindihan nya iyon.
'Im sorry'

BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.