Chapter 39

434 15 6
                                        

Nevaeh Pov*

Nagising ako ng may tatalo sa loob ng kwarto ko, hindi ba nila alam na natutulog ako buset!

"Ano ba Heaven! Magkakaanak na kami ng Ate mo!" sigaw ni Zion kay Heaven.

Hindi nila pansin na gising na ako dahil nakatiling sarado ang mga mata ko. Sa sinabi ni Zion ay naalala ko na buntis ako, nadinugo pala ako. Nakaligtas kaya ang anak ko?.

"Pero mahal mo ako Zion! ramdam ko kanina. May lugar na ako dyan sa puso mo!" sigaw ni Heaven baka mapano ang anak nila Hanz.

Bakit nga pala sumisiksik pa sa amin si Heaven kung buntis na sya kay Hanz dahil nalaman nyang mahal sya ni Zion?. Paano naman ako? Akala ko ako lang ang nasa puso nya.

"Ma'am, Sir sa labas po kayo mag usap. Ang pasyente po ay nagpapahinga" sabi ata ng nurse na kakapasok lang sa kwarto.

Nakaramdam naman ako ng parang may tumingin sa akin at alam kong isa kali Zion at Heaven iyon. Nakarinig ako ng mga yapak papaalis sa kwarto na ito at bago ko pa marinig ang pag sara ang pinto ay narinig mo muna ang magpapawasak ng puso ko.

"Mahal mo ba ako Zion?" tanong ni Heaven.

"Mahal kita" yan ang narinig ko kay Zion bago magsara ang pinto.

Hindi ko na napigilang mapahagulgol at ibukas ang mata ko pagkatapos kong marinig ang mga iyon. Mahal nya ang kapatid ko, paano naman ang anak ko?. Gusto kong maging masaya si Heaven ngunit hindi ko ata kayang ibigay ang ama ng anak ko.

"Maam kalma po, di pa rin po kayo magaling" kalmadong sabi sa akin ng nurse.

"A-ang anak ko? Ok lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Maayos na po ang baby nyo Ma'am. Wag lang po kayong magpapaistress dahil mahina daw po ang kapit ng bata sabi ni Doc" paliwanag nya sa akin ng nakangiti.

Ang ganda naman nya! Gusto kong magkaanak ganito ang mukha. Mukhang angel, mukhang pinaglilihian ko ata ang nurse na ito ah. Pero ayos naman ang ganda ng mukha di na ako lugi.

"Ang ganda mo naman? May boyfriend ka?" tanong ko sa kanya.

"Wala po Maam pero may special someone po ako  kaso nasa malayo na" ngiti nya pa rin sa akin ngunit nakikita ko naman ang lungkot sa mata nya.

"Bakit naman?"

"Hindi po kasi kami pwede" iyon lang ang sinabi nya bago nagpaalam sa aking aalis na sya.

Pinanood ko naman syang umalis sa kwarto kong ito. Nang sumarado naman ang pinto ay bigla din namang may pumasok. Si Bano -_-

"Ano namang ginagawa mo ditong Bano ka?" nagtataka kong sabi sa kanya.

"Mylabs naman! mag mo-move on ako sayo. Ang ganda ng nurse kanina dito ah" sabi nya ng ngiting-ngiti sa akin. Gwapo din kaso bano.

"Saang lupalop ka ba galing at hindi kita kilala?" tanong ko sa kanya.

"My name si Vien Alcard Nikelson, you can call me Van. Ako ang nagpabaril sa inyo sa----"

"At proud ka pa pala doon? Eh kung pasabugin ko maya bungo mo ngayon din" banta ko sa kanya.

"Mylabs naman! Kasalanan naman kasi ng kapatid mo iyon. Mangungutang tas hindi naman pala mag babayad"

"Eh magkano ba utang ng kapatid ko?"

"500,000 pero nakapagdesisyon na ako na wag nya ng bayadan iyon. Dahil baka makatikim ako galing sayo" sabi nya sa akin.

"Buti alam mo" inirapan ko sya kaya napunta ang mata ko sa pinto. Nandito na pala sya hindi namin napansin.

Lumapit sya sa amin na nakakunot ang noo at mukhang nagseselos pa. Di na ako aasa, pero sana para sa anak ko naman iyon.

"Bakit mo kinakausap ako Wife ko?" tanong nya agad kay Van.

"Si Nevaeh ang kausap ko hindi si Heaven Bro!" pang iinis ni Van na kinasapul ko. Hindi nga pala ang totoong asawa, Nice!.

"Umalis ka muna Van! May pag uusapan kami" utos ko sa kanya. Nginitian nya muna ako bago halikan ang noo ko. Bano talaga

"Sige uuwi na rin ako Mylabs! dahil baka wala na ring jeep hahaha" Banong sabi nya, di na ako magtataka kung maje-jeep yan.Baka yun ang trip ng topak nya.

Nang makaalis na si Van ay humarap na ako kay Zion. Bawal akong mastress kaya kung maari ay iiwasan ko ang magpapahamak sa baby ko.

"Wi-"

"Stop calling me wife, hindi ako si Heaven. I want you to know my decision" sabi ko sa kanya na cold ang boses.

"Huh?? anong desisyon?" nagtataka nyang sabi dahil bigla akong nagkaroon ng desisyon.

"Starting tomorrow. Ikaw at ako ay hindi na magkakilala" sabi ko sa kanya.

"W-what?"

"Umpisahan na nating kalimutan ang isa't isa. Tungkol sa baby, kaya ko syang palakihin ng mag isa"

"I want to be--"

"Get out! Magpapahinga na ako!" sabi ko at tumalikod sa kanya.

"Ayoko"

"Get Out! Zion bago ako mastress at may mangyaring masama sa anak ko!" banta ko sa kanya.

Umiyak ako ng tahimik sa mga nangyayari. Kung ito ang magpapasaya sa kanila ng kapatid ko ay ibibigay ko. Ayoko mawala ang bata sa sinapupunan ko, sa ngayon ayoko ng problema.

'Ayoko man pero isa ka sa magpapahamak sa anak ko'

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon