Nevaeh Pov*
Ang sakit, napapaluha ako sa sobrang sakit. Napatingalala na ako sa kisame sa sobrang sakit pero kailangan ko itong labanan. Ako lang naman si Nevaeh walang kinakatakutan!!.
"Ahh konting tiis na lang huuu!" sabi ko sabay ngiwi. Di talaga maiiwasan saming mga pulis ng magkaganito sa araw-araw ba naming trabaho di talaga maiiwasan.
"Chief! May dalaw ka!!" katok nung isa kong kasamahan.
"Anong dalaw? Ano akala mo sa akin? Preso? Papasukin mo na lang!!!" sigaw ko at inilabas na ang dumi na kanina pa ayaw lumabas. Woahh Success!!
Pag labas ko sa banyo isang dalaw ang hindi ko inaasahan na pupunta sa lungga ko. Anong ginagawa nya dito??
"Ate! May dala akong pagkain. Ate ayos ka lang bakit namumula ilong mo? Umiyak ka ba?" tanong ni Heaven.
"Napasabak lang sa banyo! Kinabagan ata ako sa huli naming pinuntahan. Ano na namang kailangan mo huh?" Kabisado ko na itong kakambal ko kaya alam kong may kailangan ito sa akin.
"Ate! tulungan mo ako. May boyfriend ako at gusto ko na ikaw ang magsabi na hiwalayan nya na ako" sabi nya sa akin.
"Madali lang naman pala eh. Bakit ano ba problema sa jowa mo at hihiwalayan mo?" sabi ko habang sumubo ng malaki, tiningnan nya naman ako na parang nandidiri.
"Ahmm ayaw nya kasi akong payagan mag model" ang dami talagang kaartehan nito sa katawan kaya di na ako magtataka kung laging iba itsura nya dahil sa pagmomodel eh.
"Fine! Kailan ko makikita yang jowa mo?" wala naman akong choice lagi pag kambal ko na ang pinag uusapan.
"Bukas! Magkikita kayo sa restaurant at ito ang picture nya. Ikaw na lang ang magpakita ate! ayaw kong sumama" napakunot naman ako ng nuo. Ang gwapo naman ah mukhang may pinagmamalaki. Anong problema ng kapatid ko dito?.
Dami nyang knows ah! Kung ako sya, di ko na papakawalan yung gwapo na yun. Kaso baka may sayad sa utak kaya hinihiwalayan na ng kapatid ko. Maarte pa naman ito pero mabait din naman.
"Ano naman ang makukuha ko sa hiling mo?" ayaw ko naman talaga ng kapalit, nagbabakasakali lang hahaha.
"Sayo na lang ang kotse ko!" woahh bilang pulis! mas maganda yung may sarili nang kotse.
"DEAL" sabi ko sa kanya at nakipag kamay.
- - - -Kinabukasan- - - - - -
Nakaayos na ako at pag sinabi kong ayos ay naka jeans, tshirt na black with black cap para astig. Hindi naman ako katulad ng mga babae na naglalagay pa ng kolorete sa mukha.
"Hello? Heaven?? asan ka ba?" tinawagan ko yung kakambal ko habang nasa biyahe ako. Medyo kinakabahan ako dahil hindi naman ako magaling sa pakiusapan.
"Ate nasa airport ako. May project kasi kami sa New york mga 3 months ako duon. Sige ate bye na tinatawag na kami" at bigla nyang binaba ang tawag. Apaka qaqa talaga ng kapatid ko. Paano kung banatan ako ng jowa nya?
"Ang engot mo Nevi! Pag nangyari yun" kausap ko sa sarili ko. Oo nga pala pulis ako.
Pagbaba ko sa kotse na binigay sa akin Heaven. Ay napagala ang tingin ko sa paligid.
"May party ba? Ang daming kotse ah! Mga bigatin!!" tuwang tuwa kong sabi dahil ang gaganda ng mga itim na kotse.
"So rich!!" at pumasok na sa restaurant. Napagala ang tingin nasan naman kaya si Mister Bf ni Twinny.
"Ms.Heaven kanina pa po kayo hinihintay ni Mr. Zamora.This way maam" sabi ng waiter sa akin.
Oo late ako mga 1 hour siguro. Napasabak na naman sa banyo eh. Nagtataka ako kung bakit ang daming kotse pero halos kalahati lang ng dami nun ang dami ng kumakain dito?. Ano yun tamang parking lang? Bawal yun ah lalo na sa gantong restaurant!.
"You Are Late" matigas na sabi ng lalaki
Napatulala naman ako sa kanyang mukha. Mas gwapo sya sa personal, mukhang naliligo naman araw-araw. At mukhang mabubuhay nya ang kapatid ko kahit sa bahay nya lang ito. Kamukha nya si Jeon Wonwoo ng Seventeen. Omo mylabsss!
"Yes Mr.Zamora. Im here to discuss you about break--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila nya ako papalapit sa kanya at pinulupot ang mga braso nya sa bewang ko.
"I will not breaking up with you heaven. Never!" kinabahan ako sa mga kilos nya. Hindi ako makalaban! Bakit nanghihina ako?. Ang mga singkit nyang mga mata ay pinanghihina ako. Ghorl ano ba! pulis ka!!.
"Im not Heaven, will you please get off your hands" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay nya ngunit lalo itong humihigpit.
"Stop messing around Heaven. We have a deal" then a man in black with briefcase come infront of us.
"Ano ito?" tanong ko ng biglang may inilabas itong papel. Listahan ng mga utang??
"A marriage contract and you will gonna marry me!" he said . At napatulala ako dahil nag lo-loading pa ang utak ko.
What the heck????

BINABASA MO ANG
Love In Lies
General FictionTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.