Nevaeh Pov*Halos manigas ako sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko ngayon. Buntis si Heaven at si Zion ang Ama? Paano na ako?
"Hi mylabs Nevi nandyan ka na pala" tinig ng isang banong lalaki ang narinig ko sa may likod ko.
"A-ate/ N-Nevaeh" sabay na sabi ni Heaven at Zion.
Hindi ko sila pinansin dahil nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Nandito ang bano kong stalker, si Hanz at si Zion. Kaya ba umalis si Zion dahil buntis si Heaven? iiwan nya na ba ako?.
"Anong ginagawa mo rito Ate?" nagtatakang sabi ni Heaven na kinanuot ko ng noo.
"Pinapunta mo ako dito" sabi ko sa kanya na pinagtaka nya rin.
Nakarinig ako ng palakpak mula sa banong lalaki. Sya? Sya ang nagpapunta sa akin kung ganon.
"Bakit ba bigla ka na lang nangingielam sa aming bano ka? Sino ka ba talaga?!!" sigaw ko sa lalaking iyon kahit nanghihina na ako.
"Sinabi ko na diba sayo? im your future husband" nakangising sabi nya sa akin.
Nagulat ako ng bigla syang umangat sa sahig dahil kinuwelyuhan na pala sya ni Zion.
"She's mine back off!!" sabi ni Zion na galit na galit ang mata.
"Talaga? What about Heaven? sayo rin?? May anak kayo diba?" nang iinis na sabi sa kanya ni Bano.
Nakita ko kung pano nalambot si Zion sa sinabi ni Bano, kung paano bumaba ang titig nya kay bano na parang natamaan sya sa mga sinabi nito. So Totoo nga?
"Ano Ate?? Masakit diba??" biglang nagsalita si Heaven kaya napunta sa kanya ang paningin ko. Bakit nya ginagawa sa akin ito?.
"Ano bang nangyayari sa atin Heaven?" naiiyak ko ng sabi sa kanya at napahawak kay Ghorl.
"Nag iba ang samahan nati Ate dahil sa inggit ko. Inggit na inggit ako sayo ate. Bakit kailangan na sayo ang lahat???" sabi nya sa akin.
"Ano bang sinasabi mo dyan?"
"Lahat na lang ay sayo napupunta Ate lagi na lang akong nasa likod mo Ate. Nakukuha mo ang gusto mo! Pano naman ako?"
"A-ano?" naguguluhan kong sabi sa kanya.
"Sya!" sabay turo nya kay Zion.
"Naaalala mo ba sya? Syempre hindi. Si Zion na first Love mo!" nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Pero pinaubaya ko na sya sayo" mahina kong sabi dahil nanghihina na ako sa mga nangyayari.
"Oo nasa akin na sya ate! pero mahit kailangan ay hindi kita napalitan sa puso nya!. Na kahit hindi nya alam na magkaiba tayo ay alam naman ng puso nya na si Nevaeh lang talaga"
"Dahil lang dyan kaya ka nagagalit?" hindi ako makapaniwalang sabi nya.
"Oo ate dahil hindi mo naranasan ang nararamdam ko ngayon!"
Napakaimmature ng mga sinasabi nya. Lahat naman ay ginawa ko na para sa kaya ah. Natahimik kami at nagkatitigan lamang.
"Buntis ako Ate, at pamangkin mo ito. Sana maibigay mo na sa amin si Zion" pakiusap nya sa akin.
Pero hindi ko kaya.
"Wife don't listen to her. Im not the father!" sigaw bigla ni Zion sa gilid ko. Nainis naman ako dahil doon.
"Paano mo nasasabi ang mga ganyan Zion??!!" hindi ako makapaniwala dahil ayaw nyang panagutan ang kapatid ko.
"You are the father Zion. May nangyari sa atin last 3 months ago" singit ni Heaven na kinasakit naman ng puso ko.
"Wala akong matandaan" Yun lang sabi nya habang napapakunot ang noo.
"3 months ago. Nag yayaan tayong mainuman You, I and Hanz then nagising na lang ako na wala ka na sa tabi ko pagkatapos ng may mangyari sa atin" kwento ni Heaven.
Kung ganon talaga si Zion paano nga kung mabuntis ako, iiwa nya din ako? Hindi rin nya ba ako pananagutan?
"B-but hindi ako iyon" nanghihinalang sabi ni Zion na kinagulo ng utak namin.
"W-what?" tanong ni Heaven.
"K-kuya Hanz?" sabi ni Mia sa likod mo At doon ko lang naiintidihan ang lahat.
Si Hanz?

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Fiction généraleTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.