Nevaeh Pov*
Inumpisahan ko na ang live acting ko, putek lang talaga dahil walang bayad. Hindi ako sinali ni lola sa mga competition kung libre lang ang talent fee ko.
"Hoy kuya penge 1,500!"
"Eh maam para saan naman?" nandito na kasi kami sa labas, papasok sa kotse. Uto-uto talaga eh, sinimulan nya na ang pagmamaneho ng makalabas na kami sa Subdivision ay inapaka ko ang preno.
"Para dito!!" at sinapak ko sya sa mukha. Tulog ang panget, kinapaan ko sya ng pera sabi ko sa inyo eh sideline ko dati ang pagiging snatcher haha char.
Infairness kay panget dami nyang pera ah. Mukhang tiba tiba sya kay bano, kawawa naman ito pag nalamang nakawala ako sa kanya. Madedeadz sya panigurado kay Bano.
"Taxi!!" tawag ko agad sa taxi na nakita ko.
"Maam saan po tayo?" tanong agad nya ng makasakay ako.
"Sa Quezon City" at nag umpisa naman ng umandar ako taxi.
Sa dinadaanan namin ay masasabi kong napakalayo pala ng lugar kung saan ako dinala ni Bano.
"Maam ano po bang nangyari sa inyo? ang layo po ng pinanggalinggan nyo oh! Sa itsura nyo naman po , hindi kayo mukhang nagbakasyon" chismoso din pala itong si Manong. Dapat sinabi nya na lang na ang panget ng ayos ko.
"Nakatakas lang sa kidnapper. Ayos ka na?? nabuo na ba yang iniisip mo" pranka kong sabi sa kanya abah di kami close para makipag chismisan sya akin.
"Hehehe" tawa nya lang at napakamot ng ulo.
Bumalik naman ako sa problema. May utang si Heaven? Anong kalokohan yun?.
*ring* *ring* (wag kayo tinatawagan ko si heaven nyan)
"H-hello A-ate?" kinakabahan nyang sabi, mukhang alam nya na ang nangyari sa akin ah.
"Anong kalokohan ito Heaven? Sarili mong kapatid ipangbabayad mo?? Matino ka pa ba?!!" sigaw ko sa kanya, tiningnan ko naman ang rear mirror at nakita kong nakikinig si Manong taxi driver.
Ikakabusog ata Manong Taxi Driver ang naririnig nya kaya pabayaan ko na lang.
"Ate wala na talaga akong maisip naparaan! Ate please sumasakit na ang puso ko" ayan!! lagi nyang sinisingit yang puso nya pagnaiipit na sya.
"Ayoko na Heaven! Sawang-sawa na ako sa kaqaqahan mo!" at pinatay ko na ang tawag, marupok pa rin ako sa kapatid ko. Ayaw ko pa ring magalit sa kanya.
"Maam nandito na po tayo sa inyo" sabi ni Manong driver, ibinigay ko kasi sa kanya kanina yung address ko bago ko kausapin si Heaven.
"Ayan Manong Salamat" sabay bigay ko ng 1,500 kahit 900 lang ang bill ko. Di naman saking pera yun kaya bakit ko itatabi.
Pumasok agad ako sa bahay ko para mag impake baka nakatunog na si Bano at balikan ako dito. Kaya kailangan makaalis na ako sa hindot na pamamahay na ito.
To:Leo
From: NeviHoy! Bantayan mo nga ulit si Lily. Pag may naghanap sa akin palapa mo kay Lily kahit si Heaven pa.
Text ko kay Leo. Buset maiiwan ko na naman ang baby ko. Naiistress na talaga akoo!!
"Buset na buhay, nanahimik akong tumatae lang nung nakaraan tas biglang dumating si Heaven buset dapat talaga tumae na lang ako ng tumae dati!!!" sabi ko habang nag iimpake na ngunit nakaramdam ako ng hilo nasusuka ako!.
*ackk* *acckkk* sabay takbo ko sa banyo. Stress lang ba ako?? o baka-----
"Buntis ba ako?" sabi ko sa sarili habang hinawaka ang puson ko.
*tok* *tok* *tok* malakas na katok sa pinto. Kinabahan nama ako dahil baka si Bano na yun. Kinuha ko ang baril ko para papasabuhin ko na lang ang bungo pag lumapit ulit sa akin.
Nasa likod na ako ng pinto at nakaporma na sa galaw ko kung sakali mang si Bano yun. Ngunit ng mabuksan ko na ang pinto ay hindi ko sya inaasahan na pupunta sya rito, sa lahat ng taong maaring pumunta dito ay sya ang nasa dulo ng listahan ko.
"A-anong ginagawa mo rito---
Zion?"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.