Chapter 36

324 11 0
                                    

Nevaeh Pov*

Nagising na lang ako ng wala na sa tabi ko si Zion. Putek na lalaki na yun hindi man lang ako binihisan, marunong lang talaga syang manghubad buset.

"Maam!! Gising ka na ba??" nag hahadaling sabi ni  Ghorl. Taeng tae? taeng tae?

"Oo wait! lalabas na ako" sabi ko habang sinusuot ang damit ko kagabi.

Putek asan na naman kaya ang hindot na Zion?

"Maam!! Halika na tumakas na tayo?!" naghahadaling sabi ni Ghorl.

"Eh bakit ba takot na takot ka kay Hanz ha?" tanong ko sa kanya dahil mukhang ayos naman dito ah.

"M-maam ikukulong na naman nya ako" naiiyak nya ng sabi mukhang may malalim nga talaga silang problema ng bayot na Hanz.

"Sige ayoko din naman dito, magagalit sa akin si Heaven pag nalaman nyang magkasama kami ni Zion" sabi ko sa kanya at sinuot ang sapatos ko.

"Hindi ikaw si Maam Heaven??"

"Oo mamaya ko ikwe-kwento pero sa ngayon kailangan muna nating takasan yang mga alagad ng hanz mo" sabi ko sa kanga dahil sobrang daming tauhan ni Hanz dito.

Mukhang pinababantayan talaga kami dahil pati pala ang tauhan ni Zion ay nandito rin. Putekk naman!.

"Paano tayo makakaalis?" sabi mo dahil mukhang hindi uubra ang acting skills ko dahil nagawa ko na yan sa restaurant noon.

"Dito Maam" sabi nya habang nakaturo sa bintana.

"Matalino ka din pala ghorl" sabi ko sa kanya habang inuumpisahan ng umakyat sa punong katabi ng bintana.

"Eh maam kanina pa po kasi ako may plano kaso nga lang pinagod ka ata ni Sir kagabi" namula naman ako dahil baka narinig nila yung kagabi.

"May narinig kayo?"

"kalabog lang maam" lalo akong namula dahil paniguradong yung kama iyon dahil muntik na talaga naming masira ang kama.

*tok* *tok*

"Pakshet halika na!!!" pagnamadali ko sa kanya.

Nakalis naman kami sa mansyon ni Hanz ngunit ang kaba sa mga dibdib namin ay hindi pa rin mawala. Dahil alam namin na kahit saan kami magpunta ay mahahanap at mahahanap kami ng mga lalaki iyon..

"Bakit ka ba natatakot kay Hanz? ex mo ba yun?" tanong ko sa kanya ng masakay na kami ng taxi.

"Hindi maam natatakot lang ako dahil baka mangyari na naman ang nakaraan" naiiyak na sya. Mukhang sensitive ang topic na yun kaya wag ko na sigurong alamin.

Habang nasa biyahe kami ay bigla akong nakatanggap ng text mula kay Heaven.

From: Veni
To: Nevi

Ate hindi ako makahinga, puntahan mo ako dito sa Condo.

Bigla akong nag alala kay Heaven dahil mahina lang ang puso nya. Hindi talaga ako mapakali pag puso nya na ang may kinalaman.

"Manong! paliko po!!" sabi ko agad kay Manong Taxi driver, naiiyak na ako dahil  sa pag aalala. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kakambal ko.

"Maam anong nangyayari?" nag aalalang sabi sa akin ni Mia.

"Ang kapatid ko Mia baka mapano" sabi ko sa kanya kaya yinakap naman nya ako. Please God! Wag ang puso nya

Pagdating naman namin sa lugar ng condo ni Heaven ay agad kaming pumasok sa building pagkatapos bayadan ang taxi. Hindi pa rin ako mapalagay kaya tinakbo ko na ang daan papunta roon habang si Mia naman ay nakasunod lang sa akin. Ngunit iba ang nadatnan ko at mas lalo ko atang hindi kakayanin ang naririnig ko.

"Zion!! Buntis ako!!! At Ikaw ang ama!!"

Love In LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon