Nevaeh Pov*
Matapos nya akong iwan kahapon ay hindi pa sya umuuwi. Kaya solong-solo ang kama kagabi kahit tumambling at umikot ng 360° ay hindi ako nahuhulog plus ang lambot lambot pa ng kama.
"Ma'am Heaven nakahanda na po ang almusal nyo" sabi ng Mayordoma dito sa bahay.
Pinagbuksan ko naman sya ng pinto, sumabay na rin ako sa kanya sa pagbaba dahil hindi ko pa kabisado itong bahay ni Zamora. Napaka laki ba naman kasi
eh."Naku! wag nyo na po akong tawaging Maam. Heaven na lang po" sabi ko sa kanya. Napakunot noo naman sya dahil sa inasal ko. Kahapon pa masama ang tingin sakin nito eh.
"May mali po ba sa sinabi ko?" umiling lang sya at umalis na. Atittude sya ghorl, nextime mo na lang kausapin.
Umupo na ako sa dinning table at halos masuka ako sa nakahain. Seryoso? Vegetable Salad sa umagahan?. Oo mukha akong kambing pero di kami magkasundo ng Gulay.
"Bakit ka ba ginawa sa mundo!!" masamang tingin ko sa Salad at sa nakikita ko ay parang nagkaroon ito ng mukha na masama din ang tingin sa akin.
"Oy Ghorl! may tinapay ba kayo dyan?" tawag ko sa katulong na nasa gilid ko. Taray ah yaman talaga nung Zamora na yun.
"Ma-maam kinakausap nyo po ako??!" nauutal na sabi nya. Mapagtripan nga hahah.
"Ay hindi yung multo talagang nasa likod mo" namutla naman sya kaya napatawa ako ng malakas. Uto-uto amputek pero bet ko sya, magkakasundo kami!.
"Ghorl ikaw nga hahaha. Kuha ka dali ng tinapay samahan mo akong kumain" Kumuha naman sya ng tinapay pero di sya umupo sa tabi ko.
"Ma'am hindi po kayo nagpapatabi ng katulad namin pagkumakain kayo" sabi nya kaya napatigil ako. Anong kaartehan toh Heaven?.
"Ay kung ganun masanay ka na! Di ako kakain hanggat may nakatingin lang sa akin" at umupo na sya na nakisalo pa sa umagahan ko.
"Alam nyo Ma'am kung ganito lagi kayo ay baka maging magkasundo na kayo ni Manang Fe" kwento nya habang nagpapaligsahan kaming makadami sa pagkain. Sasabihan ko nga si Zamora na bawasan sweldo nito! putek mas madami pa yung nasusubo nya kesa sa akin.
"Ohh Bakit? hindi ba kami prend?"
"Di mo matandaan Ma'am. Nung unang dala sayo ni Sir dito halos paalisin mo na si Manang Fe dahil natapunan nya ang damit mo" kaya pala ganun ang asta kanina ni Manang Fe sa akin.
"Ano pa? Ginagawa ko dati rito??" habang dinadamihan ko ng pagkain ang pinggan nya. Di ko na pala sya isusumbong, madami naman kasi akong nalalaman sa kanya.
"Lagi po kayong mag kaaway ni Sir. Pag uuwi nya sa trabaho tapos aalis agad tas pag balik kasama na kayo tapos nag aaway na kayo"
Madami pa syang na kinuwentong kalokohan ng kakambal ko at hindi ganun ang mga inaasahan ko. Bakit parang hindi pa kita kilala Heaven?
"Maam san po punta nyo?" sabi ng bantay sa gate. Taray ng outfit nila! Mukhang gwardya sibil nung unang panahon. Presidente ba ang binabantayan nila? hahaha.
"Pupuntahan ko lang ang Sir nyo kaya wag kayong mangatog!. Sige tnksbye" nagulat sila sa inasta ko. Im not Heaven kaya magulat talaga sila.
Agad akong pumunta sa Presinto para magpaalam na mag le-leave ako ng 4 months. Nagkayayaan pa nga dahil matagal tagal daw akong mawawala. Wushoo! baka nga nagsasaya na sila ngayon eh dahil mawawala ang pinaka matagal dumumi sa banyo.
"Saan ba ang punta mo, Ramirez at sobrang tagal ng leave mo" tanong sa akin ni Hanz. Pag wala sa trabaho ay Hanz ang tawag ko sa kanya habang Ramirez lang sa akin kahit na mas mataas ako sa kanya.
"Ah sa kapatid ko. Kilala nyo si Heaven diba? May aayusin lang kami"
"Ang ganda ng kapatid nyo Chief, anyare sa inyo?" biro sa akin nung isa. Lakas makapag biro! Di naman kami close kaya inirapan ko sya.
"Nakipag patayan kasi ako kay Lucifer ayun nadeadz gusto mo sumunod?" natawa naman silang lahat sa biro ko. Sa mag hapon na iyon, ay puro biruan lang ang ginawa namin
Pag uwi ko sa bahay ni Zamora ay nagtaka ako dahil sa gate palang kitang-kita na bukas lahat ng ilaw. Sa sobrang liwanag ay para kanaring papasok sa langit. Wow! Mansyong Kalangitan ang peg. So rich!
"Ma-maam saan po ba kayo nag punta? Hinahanap po kayo ni Sir kanina pa" natigilan ako dahil sa mukha ng guard. Bugbog sarado ang Guardya Sibil!
"Anyare sa mukha mo? Ayos ka lang??" nag aalala kong sabi.
"Maam pumasok na po kayo!. Galit na galit na si Sir dahil kahit saan hindi nila kayo makita!" nag mamakaawa nya ng sabi.
"Galit na galit?? Panong Galit??" tanong ko dahil kinakabahan na ako.
"FIND HER! OR ELSE I WILL SUE YOU TO DEATH!!" pakhet bakit nasa mansyong kalangitan si Lucifer?
"Ma-maam si Sir nagagalit na" napatigil ako. Si Zamora yun??.
Qaqa ka Nevi!!! Makakaharap mo na talaga si Lucifer!!!

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.