Nevaeh Pov*
Naalipungatan ako ng gumalaw si Zion sa higaan namin. Mukhang aalis ata sya dahil kinuha nya ang cellphone nya at dali-daling pumunta sa banyo. Hmm bahala sya sa buhay nya inaantok pa talaga ako.
"Wifey" tawag sakin ni Zion. Humuni lang ako para malaman nyang nakikinig ako.
"Hmm"
"May emergency sa company. Aalis lang ako" Hinalikan nya ako sa labi sunod naman ang noo. Napakasweet talaga ng ganon. Humuni lang ulit ako at natulog na naman dahil nasobrahan ang pagod ko kagabi. Bakit ganon sya yung gumalaw pero ako yung pagod na pagod?.
"Ate pinagkatiwalaan kita" si Heaven umiiyak sa harap ko ng maimulat ko ang mata ko. Nakauwi na sya?
"Hindi ko sinasadya" naiiyak ko na ring sabi sa kanya at pinulupot ang kumot dahil nakahubad pa rin ako. Akala ko ba next week pa?.
"Ahas ka Ate!! Ahas ka" humagulgol sya habang nakatingin sa akin. Nasasaktan akong nakikitang nasasaktan si Heaven dahil sa akin, hindi ko naman ito ginusto eh.
"Di ko sinasadyang mahalin sya Heaven" mahina kong sabi ng nauunawaan ko na kung ganong sakit ang nararamdaman nya ngayon.Kasalanan ko ba talaga?
"Pinagkatiwalaan kita ate!" sabi nya at halos manlaki ang mata ko ng nakakita ako ng malaking butiki na sumulpot sa likod nya. Wtf?? bakit may butiki doon.
"Heaven!!!" sigaw ko at nagising sa panaginip na yun.
Putek ang ganda na ng drama kanina eh may sumulpot lang talagang butiki eh. Bakit ba may butiking malaki duon? at amputek kinain ba naman ng buo si Heaven.
"Ma'am gising na po ba kayo?" katok ni Ghorl mula sa pinto.
"Oo bakit?" sigaw ko at inaayos ko na ang sarili ko hanggang ngayon ay hubad pa ako. Hindi man lang ako binihisan ni Zion! magaling lang talaga syang manghubad pero di marunong mangbihis.
Sinubukan ko namang tumayo kaso napaigik lang ako sa sobrang sakit ng katawan at pagkababae ko. Sineryoso talaga ni Zion yung sinabi nya. Di na talaga ako makalakad amputek
"Maam, wag na po kayong tumayo! Pinadalhan naman po kayo ni Sir ng pagkain" sabi ni Mia ng makapasok na sya sa kwarto at alalayan akong makaupo.
"Ahh sige salamat" nahihiya ko pang sabi dahil wala pa akong damit ngayon, sinira nga kasi ni Zion kagabi.
"Maam masarap ba? hahaha" tuksong tanong sa akin mo Ghorl. Mukhang nakatunog ito Ghorl na ito ah.
"Luka walang nangyaring kababalaghan! Natulog lang talaga akong walang damit" pagsisinungaling ko pa kahit obvious na.
"Don't me Maam! Sa ayos nyong yan walang nangyari? Anong klaseng putakte po ba ang gumagat sa leeg nyo maam? Si Jolibee?" tukso nya pa sa akin.
"Tek obvious naman na kasi nag tatanong ka pa! Gusto mo lang ata ng kwento eh" alam nyo naman si Ghorl! nabubusog ata sa chismiss.
"Syempre maam gusto ko ng kwento pero dahil wala akong jowa baka mainggit lang ako" sabi nya sa akin habang pinapanood nya akong kumain.
"Edi jowain mo si Hanz" nakita ko kung pano nanigas si Ghorl ng marinig nya ang pangalan ni Hanz. Oh diba? may mga babae talagang gustong magjowa pero pag nandyan na eh kulang na lang magtago sa panty ng nanay nila.
"Ayy maam may gagawin pa pala ako! Tsaka maam maligo po kayo amoy Zonrox kayo hahaha" sabi nya umalis agad. Zonrox??
Inamoy ko naman Ang sarili ko kaya napakunot ako ng noo. Amoy Zonrox nga!
"Pero hindi iyon Zonrox!!! kundi katas namin ni Zion!!!" papalakas na sabi ko ng magloading na sya sa utak ko, nakakahiya dahil naamoy nya pa. Pero mararanasan din nya yun soon at ako naman ang mang iinis sa kanya.
Buset ka talagang Ghorl ka!!!. Pag ikaw talaga nagkajowa gagantihan kita! bwahahaha. Ngunit napatigil ako sa kabaliwan ko ng maalala ko ang panaginip ko.
"Heaven"

BINABASA MO ANG
Love In Lies
Ficción GeneralTiningnan ko si Zion, kita ko sa mata nya ang pagkalito at pagdududa. "Im sorry, Im not your Wife" sabi ko kahit malayo kami ay alam kong naintindihan nya iyon.